top of page
Search
  • BULGAR

Mga trapo, todo-sakay sa kasikatan ni Hidilyn

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 29, 2021



HINDI LANG DDS BASHERS ANG DAPAT IHINGI NG SORRY NI P-DUTERTE KAY HIDILYN, KUNDI PATI SI PANELO—Hindi lang DDS na nam-bash noon kay Hidilyn ang dapat ihingi ng sorry ni P-Duterte, kundi pati si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagsama sa pangalan nito sa matrix na destabilize umano ng gobyerno.


Bagama’t inalis ni Panelo ang pangalan ni Hidilyn sa hanay ng mga destabilizer ay hindi siya nag-sorry sa atleta na sobrang natakot noon.


Malaking karangalan ang ibinigay ni Hidilyn sa bansa, at para makabawi, dapat ihingi ng sorry ng pangulo ang mga bad na ginawa ng DDS at ni Panelo sa ating bagong sports hero, period!


◘◘◘


KULANG ANG BUDGET SA MGA ATLETA, PERO ANG BUDGET PANG-PORK BARREL NG MGA CONG., SOBRA-SOBRA—Matapos kumalat sa social media ang hinaing ni Hidilyn noon na humihingi siya ng financial support sa mga pribadong kumpanya para masuportahan ang mga gastusin niya sa Tokyo Olympic ay natanong ng media si Presidential spokesman Harry Roque kung bakit sa private company at hindi sa gobyerno nagpapasaklolo ang Pinay weight lifter, at ang tugon ni Roque ay maliit lang daw talaga ang laang budget ng Duterte gov’t. sa mga atleta.


‘Yan ang malungkot na katotohanang nangyayari ngayon sa Pilipinas, pagdating sa budget ng mga atleta kulang ang ibinibigay ng pamahalaan, pero sa pork barrel projects ay sobra-sobra, buwisit!


◘◘◘


MGA TRAPO, TODO-EPAL PARA MADIKIT ANG PANGALAN KAY HIDILYN—Kani-kanyang epal ngayon ang mga kongresista at senador sa paggawa ng mga resolusyon bilang pagbibigay-parangal kay Hidilyn.


Ganyan kawalanghiya ang mga trapo (traditional politicians), nagsisipag-epal na ngayon madikit lang pangalan nila sa sports hero, pero noong sabihin ni Hidilyn na hirap na hirap na siya sa mga gastusin sa Japan ay dedma lang siya sa mga ‘to, mga pwe!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page