top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga trapo, nagpaparamdam na sa birthday ni Mayor Sara

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 02, 2021



SANGKATERBANG TRAPO, TODO-‘HAPPY BIRTHDAY’ SA ANAK NG PANGULO—Sa birthday ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio noong May 31 ay hindi lang kapamilya at DDS ang bumati sa kanya ng happy birthday, kundi pati ang sangkaterbang trapo.


Ikaw ba naman ang maging anak ng pangulong may kontrol sa lahat ng resources ng pamahalaan at nalalapit pa ang halalang 2022, talagang maraming trapo ang magpaparamdam kay Mayor Sara lalo na’t nababalitang siya ang ipanlalaban ng ama sa presidential election, boom!


◘◘◘


IMBES NA TUMULONG SA MGA NAGHIHIKAHOS NA MAMAMAYAN, “P-DUTERTE FOR VP” ANG INATUPAG NG MGA PDP-LABAN MEMBERS—Sa isinagawang assembly ng PDP-Laban ay inindorso nila si P-Duterte na kumandidatong bise-pangulo ng bansa.


Hay naku, imbes na magpokus muna ang mga miyembro ng PDP-Laban sa pagtulong sa mga naghihikahos na mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic, ang inaatupag ay pamumulitika, mga pwe!


◘◘◘


IBIDA NI ROQUE NA RANK NO. 2 ANG ‘PINAS SA VACCINATION ROLLOUT SA ASYA, FAKE NEWS!—Ang sabi ni P-Duterte ay hindi nagsisinungaling ang kanyang pamahalaan sa tunay na sitwasyon ng Pilipinas ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19.


Hindi raw nagsisinungaling, samantalang ‘yung ibinida ni Presidential spokesman Harry Roque III sa publiko na pangalawa raw ang Pilipinas sa vaccination rollout sa Asya ay malaking kasinungalingan na, kasi ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng IATF (Inter-Agency Task Force) ay hindi daw number 2 ang bansa sa vaccination program sa mga bansa sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), kundi pang-9 daw, boom!


◘◘◘


SABLAY ANG HIRIT NI SEC. PUYAT NA BUKSAN ANG TURISMO KASI KAPAG MARAMI NA ANG NAGLAMYERDA, BAKA LALONG DUMAMI ANG MAGKA-VIRUS SA ‘PINAS—Hindi pa rin bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa kasi noong May 29. 2021 ay 7,443 ang nagka-virus at 156 ang nasawi; noong May 30 ay 7,058 ang nagka-virus at 139 ang pumanaw at noong May 31 ay 6,098 ang nagka-virus at 107 ang namatay.


Kaya ‘yung hirit ni Sec. Berna Puyat ng Department of Tourism (DOT) na buksan na ang turismo sa bansa ay sablay ‘yan kasi hangga’t mahina ang tugon ng Duterte gov’t. sa laban kontra COVID-19 ay hindi dapat masunod ang kagustuhan ng tourism secretary kasi kapag pinayagan ng pamahalaan ang mga Pinoy at dayuhan na maglamyerda kung saan-saan ay asahan nang lalo pang darami ang magkaka-virus sa Pilipinas, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page