top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga terorista nakalusot, P4.5B confi at intel funds ni P-BBM, saan napunta???

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 5, 2023


P4.5 B CONFI AT INTEL FUNDS NI P-BBM HINDI NAGAMIT LABAN SA MGA TERORISTA -- Sa kabila na bilyun-bilyon, worth P4.5 billion ang confidential and intelligence fund (CIF) ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay hindi na-monitor ng gobyerno ang galaw at plano ng mga terorista kaya nangyari ang pagpapasabog ng mga terorista sa misa na idinaos sa Mindanao State University (MSU) na ikinamatay ng apat katao at grabeng nasugatan ang 45 iba pa.


Sa totoo lang, ‘yan ang hindi kagandahan kapag pulitikong tulad ni P-BBM ang may hawak ng ganyan kalaking confi at intel funds, kasi hindi naman nagagamit umano laban sa mga terorista, na ika nga, wala palang silbi ang nakakalulang P4.5-B confi at intel funds ng Presidente.


Kaya’t ang tanong: Saan ba ginagamot o napupunta ang P4.5-B confi at intel funds ni P-BBM?


Boom!

◘◘◘


DAPAT P500M NA LANG ANG CONFI AT INTEL FUNDS NI P-BBM AT ANG P4B IBIGAY SA AFP, PNP, NBI, NICA AT NSA -- Kung ganyan din lang na hindi naman nagagamit ng Office of the President (OP) ang P4.5 B confi at intel funds nito bilang pang-monitor sa galaw at plano ng mga terorista, pinakamainam na gawin ni P-BBM ay gayahin na lang si yumaong ex-Pres. Noynoy Aquino na ang hininging confi at intel funds noon ay P500 million lang.


Tapos iyong natirang P4 billion na confi at intel funds ni P-BBM ay ibigay niya sa mga ahensyang may mandato sa law enforcement and national security tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Agency (NSA). At kapag ang perang ‘yan (P4B) ay napunta na sa mga tanggapang ito, tiyak malaki ang maitutulong n’yan para sa peace and order at pagsugpo sa terorismo sa bansa, period!

◘◘◘


KAPAG PINATAWAN NG CONTEMPT ANG MGA TAGA-SMNI, SANA SA CITY JAIL SILA IKULONG -- Ang payo ni Senate Pres. Migz Zubiri sa Kongreso ay i-contempt ang mga taga-SMNI network kapag hindi pinangalanan ang sinasabing mga source nila sa Senado patungkol sa paggasta ni Speaker Martin Romualdez ng P1.8 billion sa kanyang foreign trips.


Ayos ang ganyang advise, at sana sa city jail ipakulong ng Kongreso ang mga taga-SMNI network na madalas mag-ere ng mga fake news at mag-red-tagged, boom!


◘◘◘


TAMA ANG DESISYON NI EX-SEN. DE LIMA NA KASUHAN MGA FAKE NEWS VLOGGERS PARA MAGTANDA AT TIGILAN NA ANG KAPI-FAKE NEWS SA SOCIAL MEDIA -- Sabi ni former Sen. Leila de Lima ay kapag tuluyan na raw siyang naabsuwelto sa huling drug case na isinampa sa kanya ng Dept. of Justice (DOJ), ay reresbakan daw niya at sasampahan daw ng kasong cybercrime ang mga vloggers na nanira sa kanyang pagkatao.


Aba’y dapat lang kasi kailangan talagang may makulong na mga fake news vloggers para matigil na ang pagpo-post ng mga ito sa social media ng mga fake news, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page