top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga taga-NCR Plus Bubble, oks na bumiyahe sa lugar na MECQ

BULGAR
Jun 6, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 06, 2021



Kamakailan ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga taga-NCR Plus Bubble na bumiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.


Pinayagan na rin ng IATF na magbukas ang mga resort na accredited ng DOT sa loob ng NCR Plus Bubble basta hanggang 30 porsiyento lang ang kapasidad.


I understand the need to kick start the tourism industry. Ayon sa datos ng World Travel and Tourism Council (WTTC), malaki ang binaba ng kontribusyon ng turismo sa GDP ng bansa. Mula sa $90 bilyon noong 2019, bumaba ito sa $52.8 bilyon noong 2020.


Kailangan nating paggulunging muli ang turismo at isa sa mga dapat nating unahin ay ang pagpapalago ng ating domestic market, at ang pagbibigay pansin sa mga low risk, locally sustainable niche tourism markets sa bansa.


☻☻☻


Bukod dito, naniniwala rin tayo na hindi pa ito ang tamang panahon para mag-entertain ng foreign tourists.


Mas maraming dapat pag-usapan at gawan ng guidelines kaysa pagkaabalahan ang pagpapapasok ng vaccinated foreign tourists sa ating bansa.


Kahit pa mga bakunado sila, posible pa ring meron sa kanilang asymptomatic at maaari pa rin silang maging carrier ng virus.


☻☻☻


Sa halip na pag-usapan ang pagpapapasok sa mga foreign tourists sa bansa, dapat muna nating i-address ang mga issue natin pagdating sa testing, vaccine supply, poor contact-tracing systems, low inoculation rate at vaccine hesitancy.


Nariyan din ang pagpapabakuna sa ating mga tourism workers na kasalukuyan ay nasa A4 category.


Sa ating pakiwari, ang tamang panahon para buksan ang ating bansa sa mga foreign tourists ay kapag naayos na natin ang lahat ng mga ito at masisigurong kaya nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page