Mga taga-China, exempted sa travel ban, huwaaaw!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 11, 2021
INAALALA NA NAMAN ANG DAMDAMIN NG CHINESE GOV'T. KAYA EXEMPTED SA TRAVEL BAN ANG CHINA—Maraming bansa ang sakop ng travel ban na ipinatupad ng Duterte gov't. upang hindi makapasok sa bansa ang mga taong may dala ng nakakahawang bagong variant ng COVID-19, pero ang kapuna-puna, hindi kasama rito ang China.
Siguro, nag-aalala na naman ang Duterte gov't. na baka masaktan ang damdamin ng Chinese gov't. kaya't exempted ang China sa travel ban sa 'Pinas, boom!
◘◘◘
MGA CHINESE NA PAPASOK SA BANSA, TUTUKAN UPANG MATIYAK NA WALANG DALANG COVID-19 VARIANT—Dapat tutukan nang husto ng gobyerno ang mga Chinese na papasok sa bansa upang matiyak na walang makakapasok na may dalang mas nakakahawang COVID-19 variant kasi kapag may nakapasok at lumaganap din ito sa bansa ay masyadong nakakabahala na ito.
Hindi pa kasi humuhupa ang pananalasa ng COVID-19, tapos may mananalasa na namang COVID-19 variant, kakatakot!
◘◘◘
MGA PULITIKONG BUWAYA AT ABUSADO, DAPAT IBASURA NG MGA DEBOTO—Kahit may panganib na dala ng virus, nagpuntahan pa rin sa iba't ibang simbahan sa buong bansa ang mga deboto kung saan ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno at ang ginawa nilang 'yan ay pagpapatunay na may pananampalataya sila sa Diyos.
Sa eleksiyong 2022, sana ay isapuso ng mga deboto ng Poong Nazareno ang kabutihan, na ang dapat nilang iboto ay mga kandidatong may respeto sa Diyos, at hindi mga buwaya at abusadong pulitiko, period!





Comments