Mga swak na negosyo sa mag-asawang Capricorn-Taurus
- BULGAR
- Dec 9, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 9, 2023

KATANUNGAN
May tindahan kami ngayon. Ang pinagtataka namin ay bakit kahit ano’ng pagsisikap ang gawin namin mag-asawa, kulang pa rin? Lagi kaming kinakapos at ang masaklap pa puro pa kami utang, gayung masipag naman kami.
Kung magpapalit kami ng produkto o mag-iiba kami ng negosyo, ano ang maganda? At sa palagay mo, Maestro, may pag-asa pa kaya kaming makabayad sa mga utang namin?
Kung may pag-asa pa kaming yumaman kailan kaya ito mangyayari? At ano’ng kalakal ba ang bagay sa aming mag-asawa. Ang birthday ko ay May 5, 1978 habang January 4, 1974 naman ang birthday ng mister ko.
KASAGUTAN
Tunay ngang tugma at compatible ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign na Capricorn ni mister. Sapagkat ang Taurus at Capricorn ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, kung matutunan n’yo ang tamang pagtinda, tiyak ang magaganap, makakamit n’yo rin ang isang masagana at maunlad na pangangalakal. Kung saan, puwede n’yong palitan o dagdagan ang inyong produkto sa kasalukuyan lalo na ‘yung may kaugnayan sa pagkain, grocery o kaya’y mga lamang butil, at puwede rin ang tungkol sa mga agricultural products, gayundin ang mga basic needs o mga bagay na pang-araw-araw na pangangailangan at ginagamit ng mga tao.
Sa ganyang paraan, sa tamang produkto at sa angkop na negosyo para sa angkop na zodiac sign at birth date tulad n’yo, hindi pa huli ang lahat makakaahon din kayo sa pagkakautang hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman na kinumpirma ng kapwa straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan n’yong palad. Ibig sabihin, basta’t patuloy lang kayong magtinda at magsikap sa mga produktong binanggit sa itaas, tulad ng nasabi na, darating at darating din ang eksaktong panahong kusa nang lalago at uunlad ang inyong kabuhayan.
DAPAT GAWIN
Ayon sa inyong mga datos, Aika, tama ang naisip n’yo na magbago o kaya naman ay magdagdag ng bagong produkto at sa mga produktong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong kasalukuyan 2023, sa edad mong 44 at 49 naman si mister, makakaahon na kayo sa mga pagkakautang, unti-unti nang lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman (N-N arrow b.).
ibra.




Comments