Horoscope | Oktubre 29, 2026 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 29, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2026 (Huwebes): Hindi ka maaawat sa pagtulong sa iba, dahil isinilang ka upang mahalin ang mga kapuspalad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malambot ang puso mo ngayon, at kahit ang mga hindi dapat kaawaan ay tutulungan mo pa rin. Sa ganitong paraan, ang langit ay sobrang hahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-9-12-18-25-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga kilala mong mandaraya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-17-21-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang balikan ang tapos na. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-16-24-33-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magtaka kung dahil sa iyong kabaitan at hina ng loob ay bigla kang suwertehin. Pinapanood ka kasi ng langit at awang-awa na Siya sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-5-14-23-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang makakabuti sa iba, ‘yun ang gawin mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-19-26-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bukas ang loob at bulsa mo sa mga nangangailangan. Pero, mas magandang piliin mo lang ang mga kapuspalad at wala nang malapitan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-22-31-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa at nakakamangha ang iyong kapalaran. Manalig ka lang, dahil tiyak na makukuha mo na rin ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-27-33-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na bumanat upang maiwanan mo ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-27-32-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Noon ka pa nakahanda, kumbaga pagkilos na lang ang kulang. Kumilos ka na ngayon at huwag ka nang magplano nang magplano. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-21-30-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nasa malapit, iyon ang suwerte mo. Gayunman, may suwerte ka rin sa malayo, pero matatagalan pa bago ito dumapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-4-8-11-13-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kalagayan mo ngayon. Maglalakbay ang iyong imahinasyon at magiging maligaya ka. Kung ang mga kakaibang imahinasyon mong ito ay magiging pera, mayaman ka na sana ngayon! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-16-22-34-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Mahirap sundin ang utos na ito, pero gawin mo at magugulat ka, himalang bigla kang yayaman! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-19-20-25-31.



Comments