Horoscope | Oktubre 28, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 28, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2026 (Miyerkules): Nagbabala ang iyong kapalaran na maaari kang matawag na tamad, lalo na’t lagi mong ipinagmamayabang na masuwerte ka at halos ayaw mo nang magsumikap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbubunga na ang iyong mga pagsusumikap. Gayunman, ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-24-33-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran, dahil ang mga kaaway mo ay isa-isa nang susuko. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-14-20-26-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Lihim kang sinusubaybayan ng isang taong may interes sa iyo. Ang hindi niya alam, ito rin ang bisa ng iyong kapalaran: ang sinumang gustong umarok sa iyong pagkatao ay tiyak na mabibihag mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-18-22-25-31.
CANCER (June 21-July 22) - Umiyak ka kung kailangan at magsaya ka kung puwede na. Kumbaga, kumilos ka ayon sa iyong sitwasyon ngayon. Ito ang tunay na magbibigay sa iyo ng kaginhawaan, pag-unlad, at kaligayahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-23-27-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang tunay mong pagkatao at panindigan mo ang iyong mga kagustuhan. Ang sinumang sumalungat sa iyo ay maaaring makaranas ng hindi magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-28-30-35-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang na makaporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Sa huli, malalaman nilang anuman ang gawin nila ay mabibigo pa rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-15-26-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papagamit kaninuman. Isa sa mga dahilan ng masaklap na kabiguan ay ang pagpapagamit sa iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-24-33-37-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bawasan mo ang iyong mga kaibigan. Unahin mong layuan ang mga taong alam mong nagpapahirap lamang sa iyo, dahil posible kang madamay sa kanilang mga problema. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-18-25-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mong tapusin ang mga gawaing madaling matapos. Sa mga araw na ito, mahalagang may matapos ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-21-26-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsakripisyo ka, pero tandaan mong hindi tama ang magsakripisyo kung wala ka namang mapapala. Gawin mo itong gabay habang ikaw ay nabubuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang taong nagbigay sa iyo ng kalungkutan ay agad na makakaranas ng mga sari-saring problemang maaaring magpalugmok sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-21-25-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palayain mo ang iyong sarili mula sa mga negatibong puwersang umaalipin sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-26-28-33-36.



Comments