Mga suspek dumaan sa kanal.. Lanbank, nilooban

ni Mai Ancheta @News | September 26, 2023

Pinasok ng mga magnanakaw ang isang sangay ng Landbank sa Bgy. Poblacion, San Antonio, Quezon sa pamamagitan ng pagdaan sa kanal at pagbutas sa sahig ng bangko.
Natuklasan ang pagnanakaw nitong Lunes ng umaga pagpasok ng mga empleyado ng bangko.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng San Antonio Municipal Police Office, nakapasok ang mga magnanakaw sa binutas na sahig ng bangko.
Hindi pa idineklara ng Landbank kung magkano ang perang natangay sa kanilang easy access branch dahil patuloy pa ang imbestigasyon.
May hinala ang pulisya na ginawa ang pagnanakaw nitong weekend habang walang pasok ang mga empleyado.
Isa sa tinitingnang grupo ay ang Termite Gang dahil sa estilo ng pagnanakaw na dumadaan sa mga imburnal o kisame para makapasok sa nanakawang establisimyento.





Comments