top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga sitwasyon na maaaring mapagkalooban ng emergency passport

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2024
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 11, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Mayroon akong kaibigang Pilipino na nawalan ng pasaporte habang naglalakbay sa ibang bansa. Mamamasyal kami ng pamilya ko sa iba’t ibang bansa kaya nag-aalala akong mangyari ito sa amin. Anong dokumento ang kinakailangan para maipagpatuloy ang aming paglalakbay kung malagay kami sa sitwasyon na pareho sa aming kaibigan? Salamat sa inyo. -- Cris



Dear Cris,


Ang mga sitwasyon kung saan maaaring mapagkalooban ng mga tinatawag na emergency travel documents ang isang tao ay matatagpuan sa Seksyon 8 ng Republic Act (R.A.) No. 11983, o kilala sa tawag na “New Philippine Passport Act”, kung saan nakasaad na:


Section 8. Emergency Travel Documents. - Types of emergency travel documents:


  1. Emergency Passports shall be issued to Filipino travelers who have lost their passports while traveling overseas and are justifiably in need to complete their intended overseas travel prior to their return to the Philippines or their residence overseas. This shall be valid for one (1) year from the date of issuance; and


  1. Emergency Travel Certificate shall be issued to Filipinos returning to the Philippines who have lost their passports overseas or cannot be issued a regular passport. This certificate shall be valid for thirty (30) days up to six (6) months from the date of issuance.


The Filipino’s alien spouse and children who are traveling to, or are returning as permanent residents of, the Philippines may also be issued an emergency travel certificate.”


Ang karapatan ng isang tao upang makapaglakbay ay nasusulat sa ating batas at ito ay hindi maaaring ipagbawal maliban sa mga kadahilanang para sa seguridad ng bansa, kalusugan at kapayapaan ng publiko, at iba pang kadahilanan na naaayon sa batas. Dahil dito, ang nasabing bagong batas ukol sa ating pasaporte ay inaprubahan para rin mabigyang kasagutan ang mga katulad na sitwasyon na iyong nabanggit.

Nais namin ipaalam sa iyo na maaaring mapagkalooban ng tinatawag na emergency travel documents ang isang tao para sa mga sitwasyon na nabanggit sa Seksyon 8 ng Republic Act (R.A.) No. 11983. 


Isa sa mga nasabing dokumento ay ang emergency passport na maaaring ipagkaloob sa isang biyaherong Pilipino na nawalan ng pasaporte habang nasa labas ng bansa at may makatuwiran na dahilan upang manatili sa ibang bansa bago bumalik sa Pilipinas. Ang nasabing emergency passport ay may bisa sa loob ng isang taon magmula sa araw ng pagkakaloob nito. 

Katulad ng nabanggit na sitwasyon ng kaibigan mo, kung ikaw o isa sa miyembro ng iyong pamilya ay nawalan ng pasaporte sa ibang bansa, maaari kayong mapagkalooban ng emergency passport upang makumpleto ninyo ang plano niyong paglalakbay bago kayo bumalik sa Pilipinas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page