top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga shows sa AllTV, matsutsugi na… WILLIE SA MADLANG PIPOL: IPAGDASAL N’YO KAMI!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 6, 2023




Inalmahan ni Willie Revillame ang mga kritiko ng AllTV dahil sa isyung masususpinde na ang ibang shows ng “Capamellya station” na pag-aari ni dating Senador Manny Villar.


Sa episode ng kanyang show nu’ng Sabado (February 4), nagbigay ng mensahe ang TV host sa mga taong parang masaya pa raw dahil sa sitwasyon ng AllTV.


May artikulo kasing lumabas na may mga shows nga raw ng AllTV ang masu-suspend temporarily.


Ang ilan nga raw sa mga programang ito ay magla-last taping na.


Pero may report namang babayaran pa rin ang mga talents as stated in their signed contracts.


Ang show ng AllTV ay ang talk show ni Toni Gonzaga na Toni, Wowowin ni Kuya Wil at ang M.O.M. (Mhies on a Mission) nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto.


At base sa mga rumors, ang Toni at M.O.M. ang masususpinde.


Pawang negatibong komento ang naglalabasan sa social media platforms na hindi ikinasisiya ni Kuya Wil.


Ani Kuya Wil sa kanyang programa, “Parang natutuwa pa kayo na mawawala ‘yung mga programa na nagbibigay ng saya at tulong. Sana ‘di ganu’n, ‘di ba?”


Dagdag pa niya, ang network ay baguhan pa lang sa field kaya dapat din naman nilang intindihin ang mga bagay-bagay.


Kaya ang hiling niya sa publiko ay ipagdasal sila na maging matagumpay para mas marami pang tao ang matulungan.


“Set aside ‘yung pulitika, ‘di ba? Marami pa kayong dapat na malaman sa katotohanan about the frequency. Kung alam n’yo lang ang totoo,” pahayag pa ni Kuya Wil.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page