top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga senador, imbes pagresolba sa krisis, panukalang-batas sa bisyo ang inaatupag, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 20, 2021



HINDI magkandatuto ang Senado.


Parang tuliro at wala sa sarili.


Apektado talaga sila sa kampanyahan sa 2022 — hindi sila makapag-concentrate nang mabuti!


◘◘◘


IMBES na pagtuunan ang pagresolba sa krisis sa ekonomiya at pandemya, panukalang-batas sa bisyo ang inaatupag.


Ang diskusyon ay nasa pagkakaloob ng 25-year franchise sa e-sabong.


Pinakagrabe, nais i-regular ang paggamit ng vape — ang estilong hitit-hangin o “hitit vapor” na ipinalit sa perhuwisyong sigarilyo!


◘◘◘


ISINUSULONG pa rin ang Senate Bill 2239 o ang panukalang Vaporized Nicotine Products Regulation Act na iniakda nina Senate President Tito Sotto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senate Pro Tempore Ralph Recto.


Pero kontra rito ang health professionals kasi’y napakasama rin ng epekto nito sa katawan, lalo na sa kabataan.


◘◘◘


AYON kay Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association President, ang Vape Bill ay anti-health, anti-youth at anti-children.


Maliban sa pagtutol ng DOH, DepEd, at FDA umaabot sa 74 health professional organizations at advocacy groups ang tutol sa naturang Vape Bill.


◘◘◘


BATAY sa probisyon, maaari pa ring bumili ng vape at heated products ang kabataang may edad 18 mula sa orihinal na 21-anyos sa ilalim ng Sin Tax Law.


Nanangkupo, hindi na magiging senior citizen ang kabataan.


Malulong ang mga estudyante sa kolehiyo at mismong kabataan sa bansa, partikular ang nakararanas ng depresyon at stress.


◘◘◘


KUWESTIYUNABLE rin ang probisyon na naglilipat sa Department of Trade and Industry (DTI) ng kapangyarihan na i-regulate ang mga vape product sa halip na isailalim ito sa Food and Drug Administration (FDA).


Isinusulong na ang FDA ang mag-regulate ng vape dahil mayroon itong kakayanan na pag-aralan kung ito ay ligtas at kung ano ang epekto nito sa kalusugan.


◘◘◘


IPINANUKALA ni Sen. Pia Cayetano na panatilihin ang 21-anyos na minimum access, panatilihin ang regulasyon sa FDA at limitahan sa plain tobacco at plain menthol ang papayagang flavor.


Pero ibinasura ang mungkahing ito ng karamihan ng kanyang mga kasamang senador.


◘◘◘


TULAD ni Sen. Cayetano tutol din ang Philippine Pediatric Society (PPS), Philippine College of Physicians (PCP) at public interest law group na Imagine Law sa pag-apruba ng panukalang ito.


Ayon kay Dr. Maricar Limpin President of Philippine College of Physicians, kinokondena nila ang hakbang na ito.


Marami umano ang problema sa kalusugan at ekonomiya na hinaharap ngayon ang bansa dahil sa COVID-19 na mas dapat bigyan ng prayoridad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page