top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga sakit, kaya ‘di gumagaling… SEY NG MGA EXPERT: KRIS, HINDI LANG KINULAM, ISINUMPA PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 24, 2022




Nakakaalarma naman ang naging pahayag ng ilang taong may mga kakilalang may kaalaman sa kulam, gayuma, palipad-hangin atbp. orasyon.


Kung dati-rati ay sa malalayong probinsiya lang sa Visayas ginagawa ang mga ganyan, ngayon ay nasa siyudad na raw o sa Metro Manila ang ilang nagsasagawa ng mga orasyon.


Pero, kinokontra naman ito ng marami dahil high-tech na raw ang lahat ngayon. Hindi na raw uso ang kulam, gayuma, atbp. ritwal.


At ngayong balitang-balita ang mahiwagang sakit ni Kris Aquino na hindi magamut-gamot ng mga doctor kahit dinala pa siya abroad, baka raw matinding kulam ang ginawa kay Kris ng kung sinuman ang may sama ng loob sa kanya!


Noon pa raw dapat nagpatingin sa albularyo si Kristeta upang makontra ang kulam na dinadanas niya ngayon.


Pero, may mga ekspertong nagsasabi na hindi lang kulam ang dumale kay Kris kundi isinumpa siya ng mga taong may lihim na galit sa kanya.


Kung kulam lang daw kasi ay puwede pang magamot ng albularyo. Pero kapag “isinumpa”, mas matindi raw ito. At hangga’t hindi binabawi ng taong nagsumpa kay Kris, patuloy siyang pahihirapan ng kanyang mahiwagang sakit.


Well, sana nga ay hindi totoong isinumpa si Kris Aquino. Madasalin siyang tao at tiyak na marami rin ang nagdarasal para sa kanyang paggaling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page