top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga Pinoy, wa’ magagawa dahil milyun-milyon ang Sinovac ng gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 03, 2021



MAJORITY NG MGA PINOY, AYAW SA SINOVAC—Bagama’t may mga health workers na nagpabakuna ng Sinovac, mayorya sa kanila ang tumangging magpabakuna dahil ang gusto nila ay made in U. S. na Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson at made in Europe na AstraZeneca dahil mas mataas ang efficacy ng mga ito kumpara sa made in China na 50% lang ang efficacy.


Hindi lang mayorya ng health workers ang ayaw sa Sinovac, kundi maging ang majority ng Pinoy.


Ito na siste, kahit majority ng Pinoy ang ayaw sa Sinovac, ang gustong mangyari ng Duterte gov’t. ay mag-“thank you” pa tayo sa China, boom!


◘◘◘


KAPAG NASA ‘PINAS NA ANG MILYUN-MILYONG SINOVAC, NO CHOICE ANG MGA PINOY KUNDI TANGGAPIN ITO—Dahil naumpisahan nang iturok sa mga Pilipino ang bakunang ito na donasyon ng China sa Pilipinas, ang kasunod niyan ay ang pagbili na ng pamahalaan ng milyun-milyong Sinovac.


Kaya’t sakaling dumating na sa bansa ang mga bakunang made in China na in-order ng Duterte gov't. ay no choice na ang mamamayang Pinoy kundi tanggapin na lang na iturok sa kanila ang Sinovac, saklap!


◘◘◘


KUNG HINDI DINEDMA ANG PFIZER, ITO SANA ANG UNANG BAKUNANG IPANTUTUROK SA MGA PINOY, HINDI SINOVAC—Noong December 2020 ay ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dahil sa pandededma nina Health Sec. Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez sa alok na 10 milyong bakuna ng Pfizer ay sa Singapore na ibinagsak ng Amerika ang bakunang ito na gawang Tate, at ang sinabing ito ng senador ay kinumpirma nina DFA Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. at Ambassador Jose Manuel Romualdez.


Dahil d’yan, batikos sa publiko ang inabot ng Duterte gov’t. kasi kaya dinedma ang Pfizer ay dahil mas gusto ng pamahalaan ang Sinovac.


Kainis, mantakin n’yo, Pfizer na sana ang ituturok sa mga Pinoy, naging Sinovac pa, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page