top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

MGA PINOY AT 'PINAS, NILAIT NG MGA KOREANO DAHIL KAY SHARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 7, 2022



Bina-bash si Sharon Cuneta ng K-netz (Korean netizens) dahil sa nangyari sa South Korea nang hindi siya pinapasok sa isang Hermes store sa Seoul. Nasa Korean website ang story kay Mega at ayun nga, nag-react na ang mga K-netz.


Kung anu-anong itinawag ng K-netz kay Sharon at nadamay pa ang Pilipinas at mga Filipino.


Tinawag na backward country ang bansa natin at kilala ang mga Filipino na mango at banana sellers.


Sabagay, patas lang daw dahil may mga Pinoy na bina-bash naman ang mga Koreano at kung backward country tayo, bakit daw may mga Koreano na rito nag-aaral ng English?


Saka, alam daw ba ng namba-bash kay Sharon na may black credit card ito na ibinibigay lang ng bangko sa mga ultra rich at unlimited ang credit?


Pati pala si Ryan Bang, nadamay sa palitan ng bash ng mga Pinoy at Koreano. Bakit daw si Ryan, mas piniling manirahan sa Pilipinas kesa bumalik sa Korea?


O, 'di ba, pati walang malay, nadamay, kaya dapat tapusin na ang isyung ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page