top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Mga pictures na magkasama sa Rockwell at La Union, kalat na… KATHRYN, HAPPY NA KAY MAYOR MARK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 21, 2026



BIDA - KATHRYN, HAPPY NA KAY MAYOR MARK_Image from X_IG _markalcala10 & _kathbernardo

Photo: Circulated / IG _markalcala10 & _kathbernardo



Sunud-sunod ang sightings kina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala dahil noong isang araw, nakita sila sa Chef Jessie sa Rockwell. This time, kahit medyo blurred, mas malinaw naman ang photo nila kaysa sa mga larawan nilang naglabasan noon.

Hindi na rin sila nakatalikod sa photo at kahit nakatagilid, malinaw ang kuha sa kanila habang kumakain. 


Siguro, dahil malapit ang kumuha ng picture at parang nasa katabing mesa lang nila ito.

Nauna sa resto sighting, may nag-post din ng photo nina Kathryn at Mark noong nasa San Juan, La Union sila. Kaya lang, nakatalikod si Mark, batok at likod lang ang nakita at likod din ni Kathryn ang nakunan ng larawan. May mga nagpatotoo na nagpunta nga sa La Union ang dalawa, pero walang nakakuha ng larawan na sila ay nakaharap.


Nakakatuwa na tanggap ng mga fans ni Kathryn si Mark para sa kanya at kung si Mayor daw ang magpapasaya at magmamahal sa kanya nang lubos, hindi sila tututol. 


Pareho namang single ang dalawa at alam nilang matalino si Kathryn at hindi basta papasok sa relasyon na masasaktan uli siya.


Of course, may mga kontra sa relasyon ng dalawa dahil politician si Mark at maraming ex. May naniwala namang fake ang latest photo nila, edited daw at may mga nega comments kay Mayor Mark, as if namang pakikinggan sila.


May mga nagpayo kay Mark Alcala na huwag sasaktan at huwag paiiyakin si Kathryn Bernardo dahil ‘pag ginawa niya, marami silang reresbak sa kanya. Sa ngayon, hahayaan daw nilang maging masaya ang aktres dahil she deserves to be happy sa love life niya.



FIRST movie nina Charo Santos-Concio at Boots Anson-Rodrigo ang Until She Remembers (USR) at hindi madi-disappoint ang mga matagal na naghintay na mapanood sila sa isang pelikula. 


Maganda ang pelikula ni Director Brillante Mendoza. Quiet movie siya na walang sigawan, walang malakas na iyakan, walang eksenang may baril at biro nga kay Direk Brillante, walang na-rape at walang sexy scenes.


Mas ramdam ang pelikula sa mga eksenang walang masyadong dialogue sina Concha (Charo) at Catherine (Boots). Mas ramdam ang sakit at manghihinayang ka na hindi naging happy ang ending ng kanilang relasyon.


Kabilang sa mga eksenang tatatak sa mga moviegoers ay ang pinapaliguan ni Charo si Boots at ang pagsasayaw nila habang tumutugtog ang End of the World na theme song yata ng mga karakter nila. 


Malakas din ang dating ng eksenang nire-recite nila ang poetry ni Pablo Neruda na Tonight I Can Write (The Saddest Lines).


Biniro si Boots na kung kailan 81 yrs. old na siya, saka pa naghubad sa pelikula. 


Sagot nito, “Mabuti, sports bra ang suot ko sa shooting.”


Para kay Direk Brillante, perfect project at right timing ang pagsasama nina Charo at Boots sa Until She Remembers na parehong matagal na niyang gustong makatrabaho. 


Grateful din ang dalawang aktres na finally ay nakatrabaho nila si Direk Brillante.

Sa February 25, 2026 na ang opening ng movie that also stars Barbie Forteza at sa POV (point of view) niya tumakbo ang istorya. 


Narito rin sina Angel Aquino, Eric Quizon, at Albert Martinez.



PRESENT sa premiere night ng Until She Remembers (USR) sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Bea Binene to give support to their friend, Barbie Forteza. 

Proud tiyak ang tatlo dahil ang husay ni Barbie bilang si Angel na parang ayaw ng kanyang parents.


Dumating din si Dingdong Dantes na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson-Rodrigo naman ang sinuportahan. Nakapareha ni Dingdong si Charo sa movie na Only We Know (OWK) at si Boots naman bilang isa sa movers ng Mowelfund.


In fact, si Alden din naman, bukod kay Barbie, dumating sa premiere night to support Boots and Mowelfund at sila ni Dingdong ang kasama sa mga officers nito.


Hindi namin nakausap nang matagal si Dingdong sa dami ng tao. Nabanggit lang namin ang facepalm reaction niya kay Alvin Aragon sa sinabi nitong okay siya as a father at hindi alam kung bakit siya naba-bash. 


Ang ganda ng ngiti ni Dingdong Dantes sa binanggit namin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page