top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga papasok sa bansa ngayong holiday season, bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 08, 2021



Habang palapit ang Kapaskuhan at sa kabila ng travel restrictions na ipinatutupad dahil sa Omicron variant ng COVID-19, naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na madaragdagan ang arrivals para sa holiday season.


Ayon sa BI, posible umanong makatulong sa pagdami ng mga biyahero ang mga bansang wala sa red list ng pamahalaan.


Gayundin, sa unang araw umano ng Disyembre, nasa 85% ng dumating ay mga Pinoy at karamihan ay overseas Filipino Workers (OFWs) at balikbayan, kung saan nasa 6,000 arrivals ang naitala.


Habang sa buong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, nasa 152,000 passengers ang dumating sa bansa.


Samantala, nagpatupad na rin ngayon ng adjustment ang BI para paghandaan ang posibleng pagbuhos ng mga pasaherong datraing sa bansa.


Bagama’t magandang balita na may tourist arrival pa rin, kailangang doble-ingat tayo.

Sana ay mabantayan ang mga papasok sa bansa at tiyaking masusunod ang proseso ng quarantine.


Tandaan, may binabantayan tayong bagong variant at hindi ito puwedeng makalusot dahil ‘pag nagkataon, panibagong aberya na naman.


Hindi naman sa pagiging nega, pero mabuti nang sigurado at handa tayo at dapat lang namang gawin ang lahat ng ating makakaya upang maiwasan ang bagong problema.


Matatandaang naglatag ng panibagong protocols ang IATF para sa mga biyahero, bakunado man o hindi.


Kaya pakiusap sa mga darating na OFW o balikbayan, sana lang ay masunod ang lahat ng ito dahil wala tayong ibang hangad kundi ang ligtas na holiday season para sa lahat.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page