top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Mga nilindol, buwis-buhay naman sa flash flood

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 15, 2026



Flash flood sa Mindanao

Photo: Circulated



Habang patuloy pang bumabangon ang mga residente mula sa 7.8 na lindol noong Hunyo 8, panibagong pagsubok na naman ang hinarap ng komunidad sa Sarangani matapos rumagasa ang baha dulot ng malalakas na pag-ulan nitong gabi ng Sabado.


Kabilang sa mga apektadong lugar ang Upper Lumasal at Brgy. Kiongok sa Maasim, gayundin ang Brgy. Malalag sa Maitum, kung saan mabilis na tumaas ang tubig-baha dulot ng walang tigil na pag-ulan.


Isa sa mga matinding naapektuhan ang Lumasal Bridge sa Maasim na nagtamo ng malaking pinsala matapos hagupitin ng rumaragasang tubig-baha.


Nalubog din ang ilang kalapit na komunidad habang nasira ang ilang kabahayan at ari-arian dahil sa malalakas na agos ng tubig.


Sa Maitum naman, nagsagawa ng clearing at assistance operations ang mga tauhan ng Maitum Municipal Police Station matapos mabara ng bumagsak na puno at baha ang isang kalsada sa Purok Bugo, Brgy. Malalag.


Naging mapanganib din sa mga motorista at pedestrian ang ilang lansangan dahil sa baha na umabot hanggang tuhod sa ilang bahagi ng lugar.

1 Comment


Arianwen Branwen
Arianwen Branwen
2 minutes ago

It's heartbreaking to see communities facing severe flooding while still recovering from the recent earthquake. When I need a break from difficult news like this, I sometimes play Drift Hunters, which is a simple way to relax and clear my mind for a little while.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page