top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Mga nasibak, balik-LTO... Over my dead body! — Dizon

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 24, 2026



Vince Dizon - Senate PH

Photo: Vince Dizon - Senate PH



Mariing tinutulan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang umano’y pagbabalik sa puwesto ng mga dating opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na sinibak noong siya pa ang namumuno sa ahensya, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi niya ito papayagan.  


Sa panayam ng mga mamamahayag kahapon, Nobyembre 23, iginiit ni Dizon na hindi siya papayag sa naturang hakbang at nagbabala sa mga umano’y nagsusulong ng pagbabalik ng mga nasibak na opisyal.


Binigyang-diin din ng kalihim na hindi dapat ipagpalagay ng sinuman na awtomatikong maibabalik sa kanilang dating posisyon ang mga dating opisyal sakaling magkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng LTO.


Gayunman, nilinaw ni Dizon na nasa kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasya kung magkakaroon ng reshuffling o pagbabago sa pamunuan ng ahensya, at hindi ito nakasalalay sa kanya o kay Transportation Assistant Secretary Markus Lacanilao.


Nag-ugat ang usapin sa mga espekulasyon hinggil sa posibleng pagbabago sa pamunuan ng LTO, partikular ang napabalitang pagtanggal o paglilipat sa puwesto ni Lacanilao bilang hepe ng ahensya.


Nauna nang nag-anunsyo ang transport group na Manibela ng dalawang araw na tigil-pasada bilang protesta sa napabalitang pagtanggal kay Lacanilao.


Ayon sa grupo, nagsisimula pa lamang umanong maipatupad ang mga reporma at mapabuti ang serbisyo ng LTO sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan kaya mariin nilang tinututulan ang posibleng pagpapalit sa hepe ng ahensya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page