top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga nagtatagong COVID-19 patients na hindi na nagpapa-swab ang pinakamalaking krisis ngayon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 13, 2021



Hindi magkandatuto ang Malacanang sa pagsagot sa kaliwa’t kanang expose sa korupsiyon.


Marami pang kasunod 'yan!


◘◘◘


KAKANDIDATO na lang sa pagka-mayor ng Davao si Meyor Sara.


Weh, 'di nga?


◘◘◘


LUMALAKI na ang tsansa na si ex-Sen. Bongbong Marcos ang isasabak ni Mayor Sara sa pagka-pangulo sa 2022.


Perfect!


◘◘◘


IBIG sabihin, puwedeng ampunin ng Hugpong ng Pagbabago si Marcos at mismo si P-Digong bilang pangalawang pangulo.


Sa prosesong ito, puwedeng mag-coalition o mag-alyansa ang HNP ni Sara at PDP-Laban faction ni Cusi!


◘◘◘


UNTI-UNTI nang nagpaparamdam ang kampo ni Mayor Isko na siya ay sasabak na rin.


Maaaring hinihintay na lang ay desisyon nina VP Leni at Sen. Manny Pacquiao!


◘◘◘


MAY nagsasabing desidido na si VP Leni na labanan si Marcos sa oras na magdeklara ang anak ng dating pangulo.


Samantala, nagtatalo pa rin sa isip ni Pacquiao kung didiretso sa pagkapangulo o aantabay muna bilang pangalawang pangulo!


◘◘◘


SAKALING mag-vice-president si Pacquiao at dumiretso si P-Digong sa nauna nitong pahayag—ngayon lang tayo makakasaksi ng napakagandang bakbakan para sa No. 2 position ng bansa.


Sakali naman matuloy sina Marcos at Robredo sa presidential race, ito ang unang “rematch” sa presidential derby!


◘◘◘


WALANG duda na mangingilam ang US at China sa 2022 election gamit ang mga traydor na mga Pinoy.


Babaha ng dolyar at yuan.


Bumaha rin kaya ng illegal drugs habang may kampanya?


◘◘◘


LUMIHIS ang super bagyong si "Kiko".


Hindi tayo nakatitiyak na lilihis din sa Metro Manila ang susunod na super bagyo!


Ang Setyembre ay buwan ng malalakas na bagyo at walang patid na ulan.


Remember Ondoy at Yolanda?


◘◘◘


NAGHISTERYA si Sec. Harry Roque.


Nagmistulang talipapa ang IATF.


Ha-ha-ha!


◘◘◘


ANG behavior ng Malacañang ay sintomas ng panic.


Nagkakaroon ng panic dahil sa stress kung saan nararamdaman nila ang hindi matukoy na krisis sa paligid!


◘◘◘


PINAKAMALAKING krisis ay ang mga nagtatagong COVID-19 patients na hindi na nagpapa-swab o hindi pumupunta sa mga lab test.


Krisis din ang pagtatago ng mga lab test o hindi pagre-report ng mga resulta sa mga awtoridad!


◘◘◘


AKTUWAL na nai-smuggled ang mga antigen-test kit at inililihim naman ang resulta ng swab test sa awtoridad.


Ibig sabihin, ang datos na inilalabas ng DOH araw-araw ay hindi repleksiyon ng tunay na sitwasyon.


'Yan ay aktuwal na krisis sa loob ng krisis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page