top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga nagna-no. 1 sa presidential survey, ‘di nananalo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 12, 2021



Nangunguna sa latest result sa presidential candidates opinion survey si Mayor Sara.


Pwes, hindi siya ang magiging pangulo sa 2022!


◘◘◘


Dapat nating maunawaan na kung sino ang nasa Top 1 sa kaagahan ng kampanya ay kalaban niya ang kanyang “sarili” dahil sa stress at pressure.


Hindi kasama riyan na tatargetin siya ng lahat ng kanyang kalaban.


Ang resulta: Hindi siya magwawagi sa eleksiyon na magaganap sa susunod pang taon!


◘◘◘


Ayon sa aking Tatang na si Kapitan Sucing, sikat na sikat at sa no.1 sa survey palagi si Claro M. Recto sa panahon ng kanyang kapanahunan.


Ganyan din sina Jovito Salonga at Arturo Tolentino — pero hanggang sa survey lang, hindi sila naging pangulo ng Republika!


◘◘◘


Sa ating panahon, palaging No.1 si dating Vice-President Noli De Castro; Fernando Poe, Jr. at Jejomar Binay.


Saan pinulot ang mga No.1 na presidential survey na mga ‘yan?


◘◘◘


May nag-text sa akin na dating police official at isang die hard Marcos Loyalist.


Sabi niya, pare, “Dinadaya si BBM dahil ang palaging no.1 sa survey daw ay si Mayor Sara.”


Ang sagot ko, “Matuwa ka, hindi magiging pangulo ang no.1 sa survey ngayon, 100 percent ‘yan!”


◘◘◘


Totoo ‘yan, kaya’t kahit tanungin ninyo ngayon sina Sen. Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno — iisa ang sagot nila: Hindi ako kakandidato sa pagka-pangulo.


Bakit?


Sapagkat, tiyak na matatalo sila kapag nagdeklara sila ngayon!


◘◘◘


Isa pang ebidensiya ay ang mismong si P-Digong.


Nilinaw ni Pangulong Duterte noon na hindi siya kakandidato—ito ay upang hindi siya mag-top 1 sa survey at nangyari ang kanyang gusto—nasa likuran lang siya.


Ang No.1 sa survey noon ay si VP Binay—na pinulot sa kangkungan!


◘◘◘


Bago ang deadline sa COC, ayaw pa ring magdeklara ni P-Digong sa kanyang kandidato at hindi talaga siya nag-file ng COC.


Nag-agawan sa survey sina ex-VP Binay at Grace Poe.


Nang matapos ang bilangan—No.1 si P-Digong at No.2 si Mar Roxas.


Kung lumawig ang kampanyahan—walang duda, si Roxas ang magwawagi!


◘◘◘


Ere pa ang isa: Nagkunwari si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi kakandidato kaya’t nanatili sa no.1 spot sa mga survey si FPJ.


Pero, biglang nag-file ng COC si Ate Glo.


Ang resulta: Nasilat niya si Da King!


◘◘◘


Ang mga nagwawagi ay karaniwang nasa ikatlo o ikaapat na puwesto—bago mag-eleksiyon.


Kumbaga, dark horse at hindi sila babantayan ng mga kalaban at walang stress at pressure sa kampanya!


◘◘◘


Sino ba ngayon ang nasa ikatlo, ikaapat o ikalimang puwesto sa presidential survey?


Isa sa kanila ang magiging pangulo sa 2022!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page