top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga may "K" magdesisyon sa labi ng yumaong kamag-anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 4, 2022


Deaf Chief Acosta,


Namatay na ang aking ina at inilibing siya sa Maynila noong ako ay bata pa. Dahil dito, ako ay pinalaki ng aking ama sa aming probinsya hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo. Pagkatapos ay bumalik ako ng Maynila upang makapagtrabaho. Noong isang linggo, binawian nang buhay ang aking ama at ako ay muling umuwi sa probinsya para sa kanyang burol. Nais kong dalhin ang abo ng aking ama sa Maynila at pagtabihin na sila ng aking ina, subalit tumututol ang aking tiyahin na kapatid ng aking ama. May karapatan ba akong ipaglaban ang aking nais? - Zee


Dear Zee,


Ang batas na sumasaklaw sa iyong suliranin ay ang Artikulo 305 ng New Civil Code of the Philippines, na nagsasaad na:


“Art. 305. The duty and the right to make arrangements for the funeral of a relative shall be in accordance with the order established for support, under Article 294. In case of descendants of the same degree, or of brothers and sisters, the oldest shall be preferred. In case of ascendants, the paternal shall have a better right.”


Ayon sa nabanggit, ang tungkulin at karapatan na magdesisyon tungkol sa libing ng kamag-anak ay naaayon sa hanay na sinusunod tungkol sa pagbigay ng suporta. Binanggit ang Artikulo 294 ng New Civil Code of the Philippines dahil ito ang dating batas ukol sa pagbigay ng suporta. Ngunit sa ngayon ang Artikulo 199 ng Family Code of the Philippines ang umiiral na batas tungkol dito. Ayon sa nasabing batas, ang pagkakasunud-sunod ay:


“Art. 199. Whenever two or more persons are obliged to give support, the liability shall devolve upon the following persons in the order herein provided:


(1) The spouse;

(2) The descendants in the nearest degree;

(3) The ascendants in the nearest degree; and

(4) The brothers and sisters.” [Binigyang-diin]

Malinaw sa nabanggit na batas na pangalawa ang descendant in the nearest degree sa may karapatang magdesisyon tungkol sa burol at libing ng tao. Panghuli sa hanay ang mga kapatid. Ang mga descendants ay tumutukoy sa mga anak, apo at iba pa. Samakatuwid, bilang anak, ikaw ang may karapatan na magdesisyon tungkol sa nararapat gawin sa labi ng iyong ama at hindi ang iyong tiyahin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page