top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga manraraket, wa’ paki kahit ipina-stop na ni P-Digong ang Perya ng Bayan

BULGAR
Jun 16, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 16, 2021



DAHIL SABLAY ANG PAGKASO SA ‘BAKUNA WHISTLE-BLOWER’, SIBAK KAY GEN. ELEAZAR ANG CIDG OFFICIAL—Nabuwisit si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa ginawang pagsasampa ng kaso ni Lt. Col. Arnold Moleta, hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Eastern District Field Office kay Nina Ellaine Dizon na siyang nagbulgar ng bentahan ng slot sa pagbabakuna sa Mandaluyong City, dahil ayon sa PNP chief ay mali na sampahan ng kaso ang whistle-blower sa anomalya.


Dahil sablay ang pagsasampa ng kaso kay Dizon, pagkakasibak tuloy sa puwesto ang inabot ni Lt. Col. Moleta kay Gen. Eleazar.


‘Ika nga ni Gen. Eleazar, ang mali ng kanyang tauhan ay hindi dapat i-tolerate kasi ang mali ay mali, period!


◘◘◘


PERYA NG BAYAN, IPINA-STOP NA NI P-DUTERTE PERO NAG-O-OPERATE PA RIN SA PANGASINAN, CAVITE AT RIZAL—Matapos mabisto ni P-Duterte na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang mga gambling lords ng STL (small-town lottery) at “Perya ng Bayan” ay ipina-stop niya ang operasyon ng dalawang pasugalang ito noong Agosto 6, 2019, pero noong Agosto 22, 2019 ay pinayagan din ng pangulo na mag-operate ulit ang mga STL operators basta magbabayad sila ng tamang tax sa gobyerno, pero hindi pinayagan ang “Perya ng Bayan” na mag-operate, kaya lang ang kataka-taka ay tuloy pa rin ang operasyon ng Perya ng Bayan nina “Fajardo”, “Chito” at “Mat” sa balwarte ni Pangasinan Gov. Amado Espino III at Perya ng Bayan nina “John Yap” at “Manalac” sa balwarte nina Cavite Gov. Jonic Remulla at Rizal Gov. Rebecca Ynares?


Dapat yata, ipatawag ni P-Duterte sina Gov. Espino, Gov. Remulla at Gov. Ynares at tanungin kung bakit dinedma lang kanyang kautusang bawal ang Perya ng Bayan, boom!


◘◘◘


TATLONG POLICE PD NA “NGANGA” SA PERYA NG BAYAN, BAKA IPASIBAK NI P-DUTERTE KAY GEN. ELEAZAR—Hindi lang sina Pangasinan Gov. Espino, Cavite Gov. Remulla at Rizal Gov. Ynares ang “nganga” sa operasyon ng Perya ng Bayan sa kanilang nasasakupan, kundi pati ang mga police provincial director na sina Pangasinan PD Col. Ronald Gayo, Cavite PD Col. Marlon Santos at Rizal PD Col. Joseph Arguelles.


Naku, kapag nalaman ni P-Duterte na “nganga” lang sa operasyon ng Perya ng Bayan ang tatlong PD, malamang ay ipasibak na sila kay Gen. Eleazar, period!


◘◘◘


KAILAN KAYA IBIBIDA NG TROPA NI GOL. PETALIO NA NAKAHULI SILA NG GAMBLING LORDS?—Ibinida ng tropa ni Laguna PNP Director Serafin Petalio na nakahuli sila ng dalawang kabo at limang kubrador ng STL-bookies con-jueteng sa lalawigang ito.


Ang tanong: Kailan kaya ibibida ng tropa ni Col, Petalio na nahuli na nila ang mga gambling lords ng STL-bookies con-jueteng na sina “Ibora”, “Toce” at “Alvarez”? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page