top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga manggagawa sa sektor ng turismo, ‘wag pabayaan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 11, 2021



Madagdagan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na maaaring makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.


Dahil ito sa pagpapalawak ng coverage ng Department of Tourism at Department of Labor and Employment ng mga eligible para sa financial assistance.


Sa ilalim ng joint memorandum circular na inilabas ng dalawang ahensiya, maaari nang mag-apply para sa tulong-pinansiyal ang mga manggagawang natanggal mula sa mga:


-secondary tourism enterprises na lisensiyado ng mga lokal na pamahalaan

-establishment na nagpatupad ng flexible work arrangements/alternative work schemes

-tourism support service providers sa mga lugar na tourism-dependent

Bukod pa rito, ang mga displaced tourism workers ay maaari pa ring tumanggap ng ayuda kahit na dati na silang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.


Kabilang dito ang Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare Development, unang tranche ng DOLE aid sa ilalim ng Bayanihan 1, unemployment benefits ng Social Security System, at small business wage subsidy ng Department of Finance.


☻☻☻


Sa kasalukuyan, limitado lamang ang cash aid sa mga displaced tourism workers na galing sa mga DOT-accredited primary tourism enterprises, DOT-accredited secondary tourism enterprises, LGU-licensed primary tourism enterprises, at mga miyembro ng rehistradong community-based tourism organizations.


Magandang hakbang ito upang mas marami pa sa mga kababayan natin ang kahit papano’y maabutan ng tulong, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng pagkain.


Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello, 158,166 manggagawa ang nakatanggap ng ayudang umaabot sa P790.83 milyon.


Dagdag pa niya, naaprubahan na ang cash aid application ng 183,499 tourism workers mula sa 9,728 establishments, organizations, at associations.


Umaasa tayong sa lalong madaling panahon ay maipaabot na ang ayuda sa mga humihingi nito, lalo na mula sa mga sektor na dumanas ng malaking dagok dahil sa pandemya.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page