top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga LGUs, ‘di magkasundo sa travel protocol, sana oks lang kayo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 12, 2021



Nag-aalboroto na naman ang Bulkang Pinatubo.


Baka nagpapapansin lang?


◘◘◘


Kakandidato raw si P-Digong bilang VP sa 2022.


Marami talaga ang tinotoyo dahil sa pandemic!


◘◘◘


May sobra-sobra kasing campaign fund ang mga alalay ni P-Digong.


At gusto nilang magsipsip!


◘◘◘


Tatlumpung milyong doses ng COVID vaccine ang magmumula sa India.


Ito ay para raw sa mga suki ng mga Bumbay.


Araw-araw din ang gagawing “patak-turok” ng bakuna!


◘◘◘


Hindi magkasundo sa uniform travel protocol ang mga LGU executives.


Karaniwan kasi sa kanila ay “walang utak”, nanalo lang sa eleksiyon gamit ang pera ng bayan!


◘◘◘


Sumasabit ang pulisya sa masaker ng militante sa Calabarzon.


Hindi na yata ‘yan matatapos!


◘◘◘


Kailangan ni P-Digong ay maisalba ang kredibilidad ng PNP.


Masyado nang masama ang reputasyon ng pulisya!


◘◘◘


Imbes na mapaganda ang reputasyon ng gobyerno, pinapapangit ito ng liderato ng pulisya.


Paano kaya ito mareresolba ni P-Digong sa lalong madaling panahon?


◘◘◘


Ang paglaban sa mga insurektos o rebelde ay mas obligasyon ng AFP kaysa sa PNP.


Alam kaya ‘yan ng mga nagsipagtapos sa PNP at PMA?


Mas malamang na hindi!


◘◘◘


May malaking pagkakaiba ang pagiging sundalo at pagiging pulis.


Hindi ito itinuturo sa mga pulis.


Eh, itinuturo naman kaya ‘yan sa mga sundalo?


◘◘◘


Ang kawalan ng pambansang ideolohiya ang siyang ugat ng kaguluhan at masaker.


Wala kasing direksiyon ang diskarte ng mga kolokoy!


◘◘◘


Kailangan ng Pilipinas ang isang paham na may karisma upang mabago ang lipunan.


Pero kailan kaya siya isisilang?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page