top of page

Mga lalaki, takot daw sa kanya… ANDRES, IBINUKING NA WALANG SUITOR ANG KAKAMBAL NA SI ATASHA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 16, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 16, 2023


Nakatsikahan namin ang lalaking anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres Muhlach, kakambal ng bagong pasok sa showbiz na si Atasha Muhlach, sa last night ng wake ng kilalang talent manager at manunulat na si Manay Ethel Ramos.


Gaya ng kanyang beautiful parents, ‘di lang guwapo kundi sobrang simpatiko ni Andres sa personal. Hindi tuloy namin mapigilang alalahanin ang mga araw nu’ng isa sa mga hosts ng The Buzz si Charlene.


May mga pagkakataong bitbit ni Charlene ang kambal sa studio ng The Buzz sa ABS-CBN. At sa hallway ay naghahabulan sina Atasha at Andres habang nakasalang ang kanilang mommy sa loob ng studio.


Anyway, nag-join ako sa interbyu ng ilang members of the press kay Andres sa wake.


And we found out na mahilig palang sumayaw si Andres gaya ng kanyang mga magulang, especially si Charlene na naging host pa sa isang dance show sa ABS-CBN noon.


Kaya nga raw kapag inalok itong si Andres na mag-host ng isang dance show ay puwede niya ‘yung i-consider.


Keri naman daw tumanggap ni Andres ng project kahit nag-aaral pa rin siya ng college sa isang university sa Spain. Online na raw kasi ang mga klase niya, kaya naka-stay na siya rito sa ‘Pinas at puwede na ring tumanggap ng offer kung papayagan ng parents niya.


Umiiral pa rin kasi ang rule ni Aga sa kambal na kailangang tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral ng kolehiyo bago pasukin ang pag-aartista gaya ng nangyari kay Atasha.


At dahil nasa showbiz na si Atasha, for sure, marami na ang manliligaw sa kanya.


When asked kung payag ba si Andres na mag-boyfriend na si Atasha, kailangan daw munang dumaan sa kanya ang lalaking gustong pumorma sa kakambal niya.


Super protective raw si Andres sa kanyang kakambal.


Ayon kay Andres, “Super. I'm her brother talaga. So I'm, like, her first wall talaga, first barrier din, 'no. So if there's someone there [na manliligaw], they have to go through me lagi, you know.”


Tinanong muli si Andres kung may nanliligaw na kay Atasha, sabi niya, “No, kasi they’re scared of me, eh.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page