top of page

Mga kurakot, suwerte kay P-BBM, isa-isa nang nakakalaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 14, 2023


NALULUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS DAHIL SA CONFI, INTEL AT PORK BARREL FUNDS NG MGA TRAPO -- Ang sinabi noon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang pork barrel funds ng mga senador at kongresista ang sanhi kaya nababaon sa utang ang Pilipinas, ay sinegundahan ni former National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Ernesto Pernia, na hindi lang daw pork barrel funds, kundi pati ang naglalakihang confidential at intelligence funds ng mga trapo (traditional politicians) ang dahilan kaya nalubog na nang husto sa utang ang Philippines.


Walang ibang dapat sisihin d’yan kundi ang mga bobotante, kasi ang hihilig nilang bumoto ng mga trapong nagpapahirap sa bansa at sa mamamayan, boom!


◘◘◘


SARAP BUHAY NG MGA TRAPO, KASI MAY CONFI, INTEL AT PORK BARREL FUNDS NA SILA, MAY TRAVEL FUNDS PA -- Hindi lang nakakalulang confidential, intelligence at pork barrel funds ang napapasakamay taun-taon ng mga trapo, kundi pati naglalakihang travel funds.


Ganyan kasasarap ang buhay ng mga trapo, may budget sila mula sa kaban ng bayan na kanilang gagastahin nang walang kaakibat na resibo, kickback umano sa mga pork barrel projects, tapos pati paglamyerda nila sa iba’t ibang bansa sa mundo, pera ng bayan ang kanilang ginagastos,

buset!


◘◘◘



DAPAT IPAGBAWAL NA KUMANDIDATO ANG MGA CORRUPT AT HUWAG PABOTOHIN ANG MGA BOBOTANTE -- Dalawang bagay lang ang puwedeng gawin para umunlad ang Pilipinas at para na rin guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino.


Una, ipagbawal na kumandidato ang mga trapong plunderer at pangalawa, ipagbawal na rin bumoto ang mga bobotante.


Kapag nangyari ‘yan ay tiyak wala ng mananalong trapong plunderer na ibinoboto lagi ng mga bobotante, boom!


◘◘◘


SUWERTE NG MGA KURAKOT SA MARCOS ADMIN -- Sa panahon ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay ang daming mga plunderer at corrupt ang nakalaya sa kulungan at naabsuwelto sa kaso, at ang latest na nakalaya sa kulungan ay si ret. Gen. Carlos Garcia, na nakasuhan at nakulong noon dahil sa pambubulsa sa higit P300 million pondo ng military.


Weather-weather lang talaga, kasi sa ilalim ng Marcos admin ay panahon yata ngayon ng suwerte ng mga kurakot, kasi isa-isa na silang nakakalaya mula sa pagkakakulong, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page