top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kukuning artista, siya rin ang pipili… WILLIE, CO-OWNER NI VILLAR SA BAGONG TV NETWORK

BULGAR
Jun 4, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 4, 2022



Abalang-abala ngayon ang TV host na si Willie Revillame at naghahanda na sila ni dating Senador Manny Villar sa nalalapit na pagbubukas ng AMBS Network.


Pinatapos muna nila ang eleksiyon bago nila pinlano ang kanilang mga gagawin para sa bagong network.


Recently ay nagkita sina Willie at Manny sa Villarland at nag-meeting kasama si Congw. Camille Villar at ang presidente ng AMBS Network na si Beth Tolentino.


Nabili na ni Villar ang frequency ng Luzon at inaayos na rin ang frequency ng Visayas at Mindanao para makapag-umpisa na sa operation ang AMBS Network.


Sa pagbubukas nito, hindi lang executive post ang hahawakan ni Willie Revillame, co-owner din siya at partners sila ni Manny Villar sa AMBS Network. Kaya, ganu'n na lang ang ibinibigay na panahon ni Revillame sa pag-aasikaso sa AMBS Network.


Tiyak na si Willie rin ang kukuha ng mga artistang ilalagay sa mga programa ng kanilang network. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ngayon ng dating Wowowin host.


Pero, kailanman ay walang challenge na inuurungan si Willie. Gaano man kabigat at kahirap, tiyak na kakayanin niya.


For sure, magkakaroon din siya ng sariling show sa AMBS na tulad ng format ng Wowowin. Miss na miss na niya ang dati niyang game show sa GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page