Mga kritiko ng pamilya Duterte at Marcos, hindi na makatulog
ni Ka Ambo - @Bistado | November 11, 2021
MAUGONG ang pagkandidato ni Mayor Sara sa national post.
Tama ang hula!
◘◘◘
HINDI malinaw kahapon kung pangulo o pangalawang pangulo ang papasukin ni Inday.
Marami ang ninenerbiyos!
◘◘◘
MALUNGKOT si Sen. Bong Go.
Mistulang kinumpirma niya ang pag-atras bilang vice-presidential candidate!
◘◘◘
TAHIMIK ang kampo ni ex-Sen. Bongbong Marcos.
Naghihintay din sila ng “surprise”!
◘◘◘
DUMALO si Mayor Sara sa pulong ng mahigit 60 kongresista ng Lakas-CMD sa pamumuno ni dating PGMA, Rep. Martin Romualdez at Speaker Lord Alan Velasco.
Kapana-panabik ang balita sa anumang oras!
◘◘◘
NAPAKARAMING nagsasabing “tapos na ang boksing”.
Bakit kaya?
◘◘◘
HINDI na makatulog ang mga kritiko ng Pamilya Duterte at Marcos.
Ho-ho-ho!
◘◘◘
MARAMING local candidates ang wala ring idinedeklarang kandidato sa pagkapangulo.
Nganga pa rin sila!
◘◘◘
NASAPAWAN ang pahabaan ng motorcade na walang tao.
Nagtatapon sila ng salapi sa gitna ng krisis at mataas na presyo ng petrolyo!
◘◘◘
WALA ring pahayag ang Malacañang kaugnay sa isyu kay Inday.
Diskartehan lang talaga ang pulitika!
◘◘◘
ANO kaya ang magiging kapalaran ni Sen. Bato?
Bato pa rin?
◘◘◘
MAINAM pa si Sen. Francis Tolentino, pakuya-kuyakoy lang.
Hindi siya nagpagamit sa covert operation!
◘◘◘
GUMAGANDA raw ang takbo ng ekonomiya.
Ekonomiya ng mayayaman ang gumanda, hindi ekonomiya ng mahihirap!
◘◘◘
MATAPOS ang Nobyembre 15, ratsadahan na ang kampanya.
Magpapakawala na ang mga pulitiko ng dirty money!
◘◘◘
KAHIT mula sa pusali ang cash, tatanggapin ‘yan ng mga nagugutom.
Pero, kapag peke ang cash, baka ibalik at ipalamon sa bunganga ng pulitikong pulpol!





Comments