top of page

Mga korup, tinalakan on national TV… “MARAMI NA ANG NAMATAY DAHIL SA PAGNANAKAW N’YO NG PONDO NG BAYAN” — VICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2025
  • 3 min read

ni Nitz MIralles @Bida | September 13, 2025



Vice Ganda / IG

Photo: Vice Ganda / IG


Marami ang sumang-ayon sa sinabi ni Vice Ganda tungkol sa korupsiyon habang kaharap ang isang contestant sa Laro Laro Pick segment ng It’s Showtime (IS)


Sa interview ni Vice sa contestant, nalaman na bata pa lang ay nagtatrabaho na ito at dito na nagsalita ang comedian-host at tinawag ang pansin ng mga corrupt government officials.


“Ito ‘yung mga taong ninanakawan natin. Ang korupsiyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan. Ito’y pagnanakaw ng pag-asa. Ito ay pagnanakaw ng pangarap. Ito ay pagnanakaw ng posibilidad. Maraming tao na ang namatay dahil sa pagnanakaw ninyo ng pondo ng bayan,” sabi ni Vice.


Kasunod nito, binanggit ni Vice ang government agencies na naaapektuhan ng kulang o kawalan ng maibigay na serbisyo dahil sa korupsiyon.


“Maraming mga magulang ang hindi nakapagpadala sa mga ospital ng kanilang may sakit na anak dahil sa korupsiyon. Maraming matatanda ang hindi naaagapan ang sakit dahil sa korupsiyon. Maraming bahay ang nasira at nabagsakan dahil sa korupsiyon. Maraming asawa ang naghiwalay dahil sa problema ng kahirapan. Hindi lang pera ang ninanakaw ninyo kundi buhay,” dagdag ni Vice.


Pinayuhan ni Vice ang contestant na si Ronron at ang mga viewers na lumaban at labanan ang mga nangungurakot sa pamamagitan ng tamang pagboto.


“Kaya balikan mo ang mga nagnakaw sa ‘yo, ‘di ba, mababalikan natin sila? Sa ano’ng paraan? Sa pagboto nang tama, sa ‘wag pagpayag na ito ay patuloy nilang gawin sa atin, at sa ‘wag pagpayag na ito ay nagawa nila nang ganu’n-ganu’n lang,” pagtatapos ni Vice.


May mga naiyak sa pahayag na ito ni Vice Ganda at marami rin ang nagpasalamat dahil dumarami ang mga celebrities na nagsasalita at nagpapahayag ng pagkadismaya sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.



Kapalit ni Liza… 

ANDREA-ENRIQUE, APRUB SA FANS



APRUB agad sa mga fans sakaling magtatambal sa project sina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Ito ay pagkatapos makita ang larawan ng dalawa kasama ang kani-kanyang manager.


Sa photo, makikita sina Enrique at Andrea kasama ang talent managers na sina Shirley Kuan (manager ni Andrea) at Ranvel Rufino (manager ni Enrique) at dalawa pang tao. Kaya inisip agad ng mga fans na project ng dalawa ang kanilang pinag-usapan dahil hindi naman daw magkikita ang dalawang managers nang walang dahilan at kasama pa ang mga talents nila.


Wish ng mga fans, matuloy kung may project man na pinag-usapan para kina Andrea at Enrique. Umaasa rin ang mga fans ng aktor na magtuluy-tuloy na ang

career nito. 


May nagpayo pa kay Enrique na career naman niya ang bigyan ng pansin dahil masaya na ang love life niya (if true) dahil kay Franki Russell.

As for Andrea, wish din ng mga fans na mas umalagwa pa ang career nito dahil sayang daw ang face card at popularity. 


Wala pang update tungkol sa pagkikita na ‘yun nina Andrea Brillantes at Enrique Gil with their respective managers. Umaasa lang ang mga fans na matuloy na kung anuman ang project na napag-usapan.



CONTROVERSIAL na naman si Senator Robin Padilla dahil inakalang nag-dirty finger ang senador habang inaawit ang Lupang Hinirang. Agad siyang dinepensahan ng asawang si Mariel Padilla. 


Sa kanyang Facebook (FB), nag-post si Mariel ng kanyang panig at panig ni Robin.

“My husband is a devout Muslim and a proud Filipino. During the national anthem he recites the Kalima—the Muslim declaration of faith, affirming his devotion to Allah. This is not an act of disrespect but a personal expression of faith, while at the same time standing in honor of our country,” pahayag ni Mariel.


Ayon pa kay Mariel, walang nakasaad sa batas o Republic Act No. 8491 na dapat “flat” ang palad habang inaawit ang Lupang Hinirang.


“Nowhere in the law does it require the palm to be flat. That is only a practice taught in school and ceremonies, not part of the legal text. No law was broken,” ayon pa kay Mariel.


“To claim he disrespects the flag is unfair. He is one of the most patriotic people I know—he even travels with the Philippine flag in his luggage and hangs it in every hotel room we stay in.

“His faith and patriotism are not in conflict. Serving Allah strengthens his love and service to the Philippines,” pagtatapos ni Mariel Padilla.

‘Yun naman pala!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page