top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Mga korup sa BOC, alisin na — Sen. Ejercito

Writer: BULGAR
BULGAR
19 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 14, 2026



Mga korup sa BOC, alisin na — Sen. Ejercito

Photo: Sen. JV Ejercito / FB



Hinikayat ni Senator JV Ejercito si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paigtingin ang hakbang para malinis ang ahensya, partikular ang intelligence arm nitong Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Panawagan ng senador, dapat alisin sa puwesto ang mga opisyal at tauhan na sangkot sa korupsiyon at pang-aabuso. 


Sinabi ni Ejercito na sa tingin niya ay maraming nagsasamantala sa paligid ni Nepomuceno kabilang ang mga direktor, mga deputy commissioner at maging ang mga ahensya o opisina gaya ng CIIS. 


Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng kontrobersiya sa raid ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa isang warehouse sa Bulacan na umano'y imbakan ng mga smuggled na sigarilyo. 


Lalo pang lumala ang isyu nang matuklasang tinangka umano ng dalawang BOC personnel na ibenta ang mga nakumpiskang puslit na yosi na dapat sana ay wawasakin na. Nang unang lumutang ang pangalan ng mga sangkot na tauhan, itinanggi ni Nepomuceno na kilala niya o pamilyar ang mga ito.


Pero mayroong naunang inilabas na BOC memorandum kung saan nakasaad ang pangalan ng dalawang sangkot na tauhan dahil sila ang gumawa ng incident report patungkol sa nangyaring raid. 


Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, si Ejercito ang mag-i-sponsor ng panukalang budget ng BOC para sa taong 2027.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page