top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga komyuter, mas mag-ingat sa biyahe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 24, 2021



Dahil hindi na papayagan ang non-essential travel papasok at palabas ng Metro Manila, umiiral na ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restrictions sa NCR plus.


Matatandaang kabilang sa NCR plus ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na inilagay sa general community quarantine mula Marso 22 hanggang Abril 4 dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases.


Kabilang na ang full alert status ng Department of Transportation (DOTr), kung saan nilinaw nito na bagama’t hindi ipinagbabawal ang essential road, railway, air at sea travels, ipinatutupad ang mas mahigpit na safety protocols.


Gayundin, tanging authorized persons outside of residences (APORs) lang ang papayagang makabiyahe mula at papasok ng NCR plus, kasabay ng pagpapatupad ng “7 Commandments in Public Transportation” kabilang ang pagsusuot ng facemask at face shield; pagbabawal sa pakikipag-usap kasama ang pagtawag o pagtanggap ng tawag sa telepono; pagbabawal sa pagkain sa loob ng public vehicles; pagkakaroon ng ventilation sa PUVs; pagsasagawa ng disinfection; hindi pagsasakay ng mga pasaherong may sintomas ng COVID-19; at ang pagkakaroon ng physical distancing.


Ngayong mas mahigpit ang quarantine restrictions, dapat natin itong sabayan ng mahigpit pag-iingat.


Tulad ng nabanggit, palaging sundin ang 7 Commandments in Public Transportation at iwasang lumarga kung hindi naman mahalaga ang pakay sa labas.


Panawagan natin sa lahat, seryosohin ang lahat ng hakbang na inilalatag ng pamahalaan dahil wala tayo sa posisyon para magpapetiks-petiks.


Tandaan, ginagawa ang mga hakbang na ito bilang karagdagang pag-iingat sa hindi nakikitang kalaban, kaya hangad nating makiisa ang lahat dahil para ito sa ikabubuti ng bawat isa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page