Mga Katoliko, hindi na lang ‘pag Biyernes magpa-‘fasting’, araw-araw na
- BULGAR

- Feb 3, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 3, 2021
Kakandidato raw si Mayor Sara sa pagka-president kapag sinuportahan ng oposisyon.
Sige, sasabihin natin kay VP Leni!
◘◘◘
Idineklara si Sen. Manny Pacquiao bilang “champion in recess”.
Parang nambubuwisit lang!
◘◘◘
Itinakda ni P-Digong ang presyo ng karne ng baboy at manok.
Huh, siya rin kasi ang “hari ng palengke”!
◘◘◘
Kakaunti ang suplay ng karne sa Metro Manila dahil sa iisang dahilan—kakaunti ang demand.
Pinakakaunti ang “suplay” upang maitaas ang presyo!
◘◘◘
Hindi na nag-aalaga ng hayop ang backyard piggery at poultry.
Mataas din kasi ang presyo ng commercial feeds at kakarampot ang order ng mga traders!
◘◘◘
Hindi nagluluwas ng maraming suplay ang mga traders dahil matumal ang benta sa palengke.
At dahil kakarampot ang suplay, itinataas ang presyo—para mabuhay o kumita ang mga “reseller”!
◘◘◘
Walang alam ang mga ehekutibo ng gobyerno sa aktuwal na transaksiyon sa negosyo.
Ang mataas na presyo ay kusang bababa, kapag hindi ito nabili sa mga palengke.
Hindi kailangang makialam si P-Digong sa presyo.
Magiging tipong palengkera siya kapag nakisali!
◘◘◘
Pebrero pa lang sa pagpasok ng Kuwaresma, titindi pa ang krisis at tutumal ang benta sa palengke, bakit?
Sapagkat ang mga debotong Katoliko ay mamamanata, mag-a-ayuno o magpa-fasting—hindi sila kakain ng karne.
Imbes na tuwing Biyernes lang ang “bihilya”, magiging pang-araw-araw na ito!
◘◘◘
Dahil sa pag-iwas sa karne, darami ang demand sa gulay.
Siyempre, tataas ang presyo ng gulay.
Ibig sabihin, pakikialamanan din ni P-Digong ang presyo ng gulay?
◘◘◘
Imbes na makialam si P-Digong, dapat sibakin niya ang kalihim ng Department of Agriculture—dahil hindi ito nagtatrabaho.
Walang silbi ang mga miyembro ng gabinete ni P-Digong.
Kaawa-awa naman ang Pangulo—siya na lahat ang nagtatrabaho!





Comments