MGA KASAMA SA BAHAY NI DINGDONG, NAGKA-COVID
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 24, 2022

Pinasalamatan ng aktor na si Dingdong Dantes ang Office of the President and Vice-President Leni Robredo sa ipinagkaloob na COVID-19 Care Package para sa kanyang pamilya and household members pagkatapos mahawa ng virus kamakailan, calling it "very, very helpful" in their recovery.
“Isa rin sa mga mahalagang natanggap namin ay iyong COVID Care Package ng Office of the Vice-President," wika ni Dantes sa isang Facebook video message sa huling araw ng kanyang quarantine.
Dugtong pa niya, "Napakalaking bagay noon dahil naglalaman ng kumpletong mga gamit na kinakailangan ng isang COVID positive patient. Halimbawa iyong oximeter. Siyempre, noong time na iyon, nawawala iyong oximeter namin.”
Dahil sa care package, hindi na kinailangan pa ni Dingdong na lumabas ng bahay at bumili ng kanilang mga kailangan sa botika.
"Maraming-maraming salamat sa OVP at siyempre, kay VP Leni sa COVID Care Package na ipinadala ninyo. Very, very helpful," wika pa niya.
Pinayuhan din ng aktor ang mga Pilipino na mag-isolate agad kapag nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.
Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, nagbigay si Robredo sa mga Pilipino ng libreng testing, telemedicine at COVID-19 kits.
Nang humagupit ang Typhoon Odette sa ilang bahagi ng bansa kamakailan, si Robredo ang unang personal na bumisita at nagbigay ng relief goods at iba pang tulong sa mga lugar na naapektuhan.
Nagsimula rin siya ng donation drive para sa mga apektadong residente at nangakong tutulong sa pagsasaayos ng mga nasirang lugar.
In fairness, saludo kami kay VP Leni and her staff sa paghahatid ng COVID Care Package kina Dingdong. Malaking bagay talaga ‘yung may agarang panlunas kapag na-infect ng COVID-19 virus.





Comments