top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nabubuhay na lang dahil sa dasal… KRIS, HABAMBUHAY NA ANG SAKIT

Writer: BULGAR
BULGAR
36 minutes ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 2, 2026



TALKIES - KRIS, HABAMBUHAY NA ANG SAKIT-IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



“I need your prayers because this is for life,” pahayag ng aktres-TV host na si Kris Aquino.

Sa isang panayam, nagbahagi si Kris ng latest update tungkol sa kanyang nararamdaman at sakit sa katawan.


Ayon kay Kris, may mga araw na hindi siya makabangon sa kama dahil sa sakit ng kanyang mga buto.


“There are days I can’t get out of bed because of my bones. It is like your bones are feeling... that thing you are using to crush garlic? That is how it feels. Hina-hammer ‘yung buto. Not just the first layer... the inside of your bones,” aniya.


Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

“I have to say thank you to the people. I think I am the only person who can say millions prayed for me to get better. My journey has been their journey as well,” ani Kris.


Pahayag niya, kailangan pa rin niya ang dasal ng mga tao dahil panghabambuhay na raw ang kanyang pinagdaraanan.


“I need your prayers because this is for life. There are bad days and good days,” dagdag niya.

Anyway, God bless you, Kris. We’ll keep praying for your healing and recovery.





IBINAHAGI ni Maiqui Pineda, asawa ng TV host na si Robi Domingo, sa social media ang ilang larawan nila kasama ang kanilang super cute na anak na si Emmanuel, kabilang na ang unang biyahe nila bilang pamilya.


Saad ni Maiqui sa post niya, “Our baby’s first airplane ride and our first international trip as a family of three!


“We headed to Singapore for some medical check-ups (a story I'll share another day), making this trip extra meaningful for us.


“But this trip taught us to pack smart, take turns, stay flexible and apparently change A LOT of diapers. Thankful to @hoppi.ph diapers - no leaks and no blowouts!


“It wasn’t the most relaxing trip but I know this is one special milestone we'll cherish forever. Here's to many more adventures together as a family!”

Enjoy your first international trip, Domingo family!





Kahit may bagong pumasok na investor…

ABS-CBN, SA PAMILYA LOPEZ PA RIN



Mananatiling Lopez-led ang ABS-CBN sa kabila ng pagpasok ng bagong investor sa kumpanya.


Inaprubahan noong Miyerkules, Setyembre 30, ng ABS-CBN shareholders ang pagpasok ng bagong puhunan na aabot sa P6 bilyon, mula sa mga kumpanya ng pamilya Lopez at isang bagong investor.


Kabilang sa mga kumpanyang kumakatawan sa iba't ibang sangay ng pamilya Lopez ang Crème Investment Corporation, Mantes Corporation at Presta Holding Company, Inc., habang kabilang naman sa bagong investor ang I&C Holdings Corporation.


May puhunan ding P300 milyon mula sa Lopez, Inc., habang ang tatlong Lopez family companies ay mag-i-invest ng kabuuang P2.2 bilyon at P3.5 bilyon naman ang manggagaling sa I&C Holdings Corporation.


Sa kabila ng pagpasok ng bagong investor, mananatiling majority-owned ng pamilya Lopez ang ABS-CBN.


Layunin ng bagong puhunan na suportahan ang pagbuo ng isang bagong ABS-CBN bilang content company na makikipagtulungan sa iba't ibang partners para maihatid ang mga programa at kuwentong Pilipino sa mas maraming manonood.


Patuloy pa rin ang ABS-CBN sa paggawa at paghahatid ng mga programa, pelikula, balita, musika at iba pang kuwentong Pilipino sa iba’t ibang platforms.


Inaprubahan din ng mga shareholders ang pagtaas ng authorized capital stock ng kumpanya at ang pagdagdag ng dalawang miyembro sa Board of Directors, kaya magiging siyam na ang directors.


Ayon sa ABS-CBN, ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng kanilang hakbang para mapalakas ang kumpanya at maihatid ang kanilang content sa mas maraming Pilipino, saanman sila nanonood.


‘Yun lang, and I thank you.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page