top of page

Mga kapwa senador, hinamong maglabasan na… SEN. ROBIN: UNAHIN N’YO NANG ILABAS ANG SALN KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 18, 2025



FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



“Today is my Freedom Day,” ito ang pahayag ng comedienne-TV personality na si Ai Ai Delas Alas nang mag-post ito sa kanyang social media. 


Isang taon na pala ang lumipas nang maghiwalay sila ng dati nitong asawa na si Gerald Sibayan.


Saad ni Ai Ai, “Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ng taong akala ko’y kasama ko habang buhay. Naligaw ako, naguluhan, at halos hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.


“Pero sa gitna ng sakit, gulo at katahimikan, nar’yan kayo. Sa lahat ng dumamay, umunawa, tumahimik sa tabi ko, at nagdasal para sa akin, salamat.


“Hindi ko ito nalampasan nang mag-isa. At higit sa lahat, salamat sa Diyos na hindi ako iniwan kahit na kailan.


“Buhay ako, matatag ako. Maraming salamat din sa mahal na Inang Maria na parating nakagabay sa akin. Salamat kay Father Allan Samonte, my BFF @allandizonsamonte, at mga kaibigan naming pari sa mga dasal. 


“Salamat sa Zumba, sa aking mga instructor at classmates. Salamat sa gym pati aking mga coaches. Salamat sa aking mga kaibigan na hindi ako iniwan. Salamat sa anak kong si Sancho @sanchovitodelas alas. At higit sa lahat, salamat sa aking mga tagasuporta, followers, fans. 


Noong panahon na ‘yun, ang parati kong isinasaisip at isinasapuso ang comment na nabasa ko, ‘Isang tao lang s’ya, milyon kaming nagmamahal sa ‘yo.’ AMEN.”


Good job, Ai Ai delas Alas. Mas mabuti na rin na ipagdiwang mo sa pamamagitan ng pagsisimba at pamamasyal sa mall kesa naman malungkot ka pa para sa taong hindi ka naman ipinaglaban sa huli.


Pak, ganern! May hugot ‘yan!



Nakiusap ang senador at aktor  na si Sen. Robin Padilla na unahing ilabas ang kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth).


Saad niya, “Katulad ng aking talumpati sa plenaryo ng Senado patungkol sa Freedom of Information, ngayon na, maglabasan ng SALN. Tanggapin ng Senado ang hamon ng bagong Ombudsman! Unahin n’yo na po, ilabas ‘yun sa akin!”


Samantala, ayon sa pahayag ay mismong si Sen. Robin ang sumulat kay Senate Secretary Renato Bantug upang ipaalam na kusa siyang magbibigay ng waiver para ilabas ang kanyang SALN.


Wika ni Sen. Robin Padilla, “Ako po ay nakikiisa sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo ng ‘public office is a public trust.’”


May iba kayang kumasa at sumunod sa hamon ni Sen. Robin?

‘Yun lang, and I thank you.



“NAGTATRABAHO ako nang maayos dito, hindi ito galing sa nakaw,” paalala ng magandang aktres na si Nadine Samonte sa kanyang Instagram (IG) post.


Nagbahagi ang aktres ng photos kung saan makikita ang magagandang damit at sapatos ng kanyang mga anak na kanyang ibinebenta. 


Wika ni Nadine, “These are all pre-loved items ng mga kids. First to comment ‘mine’ will get the item. Ila-like ko po ‘yung comment n’yo para alam n’yo po kung kayo ang nakakuha.


“Please wait for my DM from my IG account only para iwas sa mga scammers. No exchange, no refund po tayo. Lahat ng details, nasa picture na po. All joy miners will be blocked! GCash or BDO transaction only and must be paid within 24 hours.


“J&T or Lalamove, puwede. Muntinlupa location. Additional for SF (shipping fee), hindi po kasi libre ang shipping. And yes, nakapag-donate na po ako (kasi dami mga taong ano rito, eh) at nagtatrabaho ako nang maayos dito, hindi po galing sa nakaw. Thank you.”

Dagdag pa ni Nadine, “Hello, everyone! I’ll be posting used items of our kids sa IG.


Paunahan na lang po mag-‘mine’ sa post. Sorry, hindi po s’ya donation since 10 balikbayan boxes na ang na-donate namin na toys sa mga kids na nangangailangan. Ipo-post namin ‘yan for proof na tumutulong din po kami kasi ‘yung iba rito, alam na.


“This time, we will sell clothes and shoes kasi we need also funds, ‘noh! Hahaha! Real talk lang. Abang lang po kayo later. Only on IG!”


Well, korek ka d’yan, Nadine Samonte. Huwag mong intindihin ang negatibong komento. At sana lang,  gayahin ka ng ibang mga misis ng tahanan na gumagawa ng paraan para tulungan ang asawa. 


Super lucky naman ang anak ng BFF ni yours truly na aktres na si Isabel Rivas na si Richard Chua. 


At in fairness, ang gaganda ng damit at sapatos at halatang halos bago pa kaya buy na kayo, mga madlang people!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page