Hindi raw P19M… BAGONG BILING TESLA CYBERTRUCK NI ANNE, P6.7 M LANG
- BULGAR

- 45 minutes ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 2, 2026

Photo: IG @annecurtissmith
Bina-bash si Anne Curtis sa pagkakabili niya ng bagong sasakyan na Tesla Cybertruck na nagkakahalaga umano ng P19 milyon.
Maging ang kanyang kasuotan na denim Adidas jacket ay pinuna rin ng mga bashers.
Sey ng mga netizens… “Go lang, Anne Curtis, deserved mo magkaroon ng ganyan, kasi ang bait mong tao.”
“Go, Anne, afford mo naman ‘yan at bagay talaga sa awrahan mo. You look so pretty always, my lods (idol).”
“Mapapa-sana all ka na lang talaga, idol Anne. Sana po, i-share n’yo naman po sa amin ang yaman n’yo kahit konti. Hehehe! God bless po.”
May computation pang ibinigay ang isang basher, “Explain to me, how can a $175,000 cost P19 million sa ‘Pinas?”
“Tesla Cybertruck 2026 is only ranging from $79K (P4.6 M to $114,990 (P6.7 M) depending on trims. That’s not 19M pesos. If she bought it that much, she was cheated. Unless she bought 2!”
Hay, naku, mga netizens nga naman, sobrang mapanuri kapag ang isang artista ay nakabili ng mamahaling bagay.
Hindi naman ipinangangalandakan ni Anne Curtis ang kanyang pinaghirapang ani, tanging mga Marites lang ang pumupuna sa nabili niyang sasakyan.
Una, si Ian…
THE KINGDOM, DEDMA RIN SA FAMAS
Tila nagiging kontrobersiyal ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ngayong taon kahit tapos na ang kanilang 73rd FAMAS Awards noong Agosto 2025.
Nauna ang hindi pagtanggap ni Ian Veneracion para sa special award na Child Stars Icon, at ngayon naman ay ang tungkol sa hindi pagbibigay ng kopya ng pelikulang The Kingdom (TK).
Ayon kay Atty. Vince Tañada, artistic director ng FAMAS, simpleng dahilan lamang ang rason: hindi nag-submit ng entry ang production team ng pelikula.
“Sa FAMAS, kailangang mag-entry. ‘Yun ang mga pipiliin namin… May isa lang talaga, ayaw mag-entry. Kahit anong pilit namin, ‘Sige na! Kasi puwede talaga kayong manalo,’” paliwanag ni Atty. Vince sa mediacon ng inaugural ng FAMAS Broadcast Arts Awards.
Dagdag pa niya, ilang beses silang nag-e-mail at nakipag-communicate sa team ng TK, ngunit walang naging tugon mula rito.
Naniniwala ang FAMAS na karapat-dapat sana ang pelikula sa mga nominasyon dahil sa kalidad ng production design at cinematography, pati na rin ng performance nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Nico Antonio, Zion Cruz, Ruby Ruiz, Iza Calzado, at Cedrick Juan.
“‘Yung The Kingdom last year… ayaw nilang mag-entry. Naka-ilang e-mail kami, ayaw nilang mag-entry. Eh, ayaw, eh!” dagdag pa ni Atty. Vince.
Hmmm… Mukhang hindi maganda para sa kredibilidad ng FAMAS ang nangyayari ngayon. Tama ba na nawawalan na yata ng tiwala at respeto sa kanila ang ilang celebrities natin?
Bukas ang BULGAR sa magiging pahayag ng kabilang panig.
NAG-OATH-TAKING na ang mga bagong halal na 2026 Philippine Movie Press Club (PMPC) officers kung saan si Hon. Marcos Mamay ang nagsilbing inducting officer.
Nanumpa sila ng kani-kanilang mga katungkulan sa harap ni Hon. Mamay nitong Enero 30, 2026.
Si Mamay ay vice-mayor ng Nunungan, Lanao del Norte, at isang movie producer.
Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers at board members ng newly-elected president na si Fernan de Guzman, na nagbabalik sa kanyang pang-apat na beses na pamumuno sa grupo.
Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa ay sina Rodel Fernando (vice-president); Eric Borromeo (secretary); Mildred Bacud (assistant secretary); Boy Romero (treasurer), Jimi Escala (assistant treasurer), Joey Austria (auditor); Evelyn Diao (PRO - English); at Glen Sibonga (PRO - Filipino).
Board of Directors sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Ayon kay Mamay, “Malaking karangalan po na maimbita po tayo para mag-administer ng oath sa new officers ng PMPC. Maraming salamat sa PMPC at sa bagong president na si Fernan de Guzman. Sana, tuluy-tuloy na ito. Sana ay maganda ang pamamalakad para sa kabutihan ng buong PMPC, ng ating media friends and press, at sana, magtagumpay lahat ng mga adhikain natin.”
Inihayag din ni Mamay ang hangarin niyang masuportahan at matulungan ang PMPC lalo na sa pagsasagawa at pag-oorganisa nito ng taunang Star Awards for Movies, Music, at Television. Napili ng PMPC si Mamay na maging inducting officer dahil sa magandang imahe at kredibilidad niya bilang public servant, pati na rin ang naibibigay
niyang ambag sa showbiz industry bilang movie producer.
Si Marcos Mamay ay na-elect na vice-president for Operations ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) noong 29th National Convention. Nagsisilbi rin siyang national vice-president of the League of Municipalities of the Philippines (LMP).








Comments