top of page

Aktres, bina-blackmail… RELASYON DAW NI RHIAN KAY WIL DASOVICH, ISINUMBONG NG DRIVER KAY SAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 2, 2026




TEKA NGA - RELASYON DAW NI RHIAN KAY WIL DASOVICH, ISINUMBONG NG DRIVER KAY SAM/FB Rhian Ramos & Wil Dasovich

Photo: File / FB Rhian Ramos & Wil Dasovich



Isang malaking balita sa mundo ng showbiz ang pagrereklamo o pagdedemanda ng driver ni Rhian Ramos laban sa kanya at sa dalawa pa niyang kaibigan na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio. Inaakusahan ang tatlo ng pambubugbog at illegal detention.

Buwelta naman ni Rhian, may nawawala siyang mahalagang personal na bagay na diumano’y kinuha ng kanyang driver. At plano raw ng driver na i-blackmail siya at pagkakitaan.


Sa puntong ito, dapat na talagang kumilos ang kampo ni Rhian upang linisin ang pangalan ng aktres. Makakaapekto ang ganitong iskandalo sa kanyang career, at dapat ay maging maingat na siya sa pagkuha ng bagong driver. 


May pagka-Marites diumano ang dati niyang driver na ngayon ay nag-aakusa sa kanya, may pagka-pakialamero at sumbungero rin. 


May mga kumakalat pang tsismis na ang dating driver niya ang nagpaparating sa ex-BF niyang si Sam Verzosa tungkol sa diumano’y relasyon niya sa celebrity vlogger na si Wil Dasovich. Mistulang perya na tuloy ang mga kaganapan ngayon sa love life ni Rhian Ramos. 


How sad!



MAKAKABUTI sa career ni Jillian Ward ang pagtanggap niya ng bagong action-drama serye ng GMA-7 na Never Say Die (NSD), kung saan kasama niya sina Raymart Santiago, David Licauco, atbp.. 


Panahon na rin para iwan muna ng aktres ang kanyang cutie-cutie image. Kaya na niya ang mga seryosong roles upang mag-level-up ang kanyang pagiging aktres.

Hindi na rin kailangan ni Jillian ang ka-love team upang i-boost ang kanyang career, kailangan niyang patunayan na isa siyang versatile actress. 


Tamang-tama ang kanyang role sa NSD dahil mapapasabak siya sa matinding action scenes na hahamon sa kanyang kakayahan.


Excited naman si Jillian dahil bago ang karakter na kanyang gagampanan, hindi tulad ng dati na puro mabibigat na mga dramatic scenes ang ginagawa niya sa mga serye ng Kapuso Network. 


Samantala, puring-puri naman ni David Licauco ang pagiging professional ni Jillian Ward sa trabaho. Wala raw itong kaarte-arte kapag nasa taping.

Magsisimula nang mapanood ang Never Say Die sa primetime slot ng GMA-7.



MAY paliwanag si Carla Abellana kung bakit garden wedding ang naganap na kasal nila ni Dr. Reginald Santos at hindi sa simbahan. 


Divorced lang sila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez, pero hindi kinikilala ang divorce sa Simbahang Katoliko kaya hindi sila puwedeng magpakasal sa church, kahit iyon ang pangarap ng aktres.


Anyway, ang importante naman ay legal ang kasal nila ni Dr. Santos. Bale civil wedding lang ang naganap, pero masaya si Carla sa kanilang intimate garden wedding. 

Ngayon ay panatag na ang loob niya at makakapagsimula na siya sa bagong chapter ng kanyang buhay.


Suportado ng kanyang mister ang kanyang showbiz career. Hindi nag-demand si Dr. Santos na tumigil siya sa pag-aartista.


Looking forward ngayon si Carla Abellana na magkaroon na sila ng sariling anak. Posibleng mangyari ito dahil dati nang nagpa-freeze ng kanyang mga egg cells ang aktres.



PAGKATAPOS ng napaka-successful na Sexbomb reunion concert na dinumog ng marami sa Araneta Coliseum at SM Mall of Asia (MOA) Arena, mabentang-mabenta na ang Sexbomb Girls at maraming kumukuha sa kanila para sa out-of-town shows. 


Well, kahit hindi sila kumpleto ay okey pa rin dahil super-hataw sila sa pagpe-perform on stage.


Tulad ng pag-imbita sa kanila sa pistahan sa Tarlac at maging sa lalawigan ng Abra, mainit silang tinanggap at pinagkaguluhan. 


Marami ring mga offers na mag-show ang Sexbomb Girls sa key cities tulad ng Cebu, Davao, atbp.. 


May ilang mga producers din na gustong dalhin ang Sexbomb reunion concert sa world tour. Patunay lamang na muling nanumbalik ang ningning at kasikatan ng Sexbomb Girls. 


Samantala, napag-alaman namin na ang CEO at big boss ng TV5 na si Manny V. Pangilinan (MVP) ay isa sa mga major sponsors ng Sexbomb Girls reunion concert. Masaya si MVP sa tagumpay ng pagbabalik ng girl group sa concert scene.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page