Mga kapwa celebs, excited din… MICHAEL V.-VICE SA MOVIE, IPINU-PUSH NA
- BULGAR
- Aug 22, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 22, 2023

Marami agad ang excited sa post ni Michael V. sa posibilidad na magka-collab sila ni Vice Ganda.
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Bitoy ang mga photos nang magkita sila ni Vice sa GMA Gala Night 2023 at nang mag-guest siya sa It’s Showtime.
Sabi ni Bitoy, “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko... “possibilities.” In a time na parang ‘puwede na,' ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?”
Aprub sa mga followers ni Bitoy ang posibilidad na magkasama sila sa isang proyekto ni Vice at ang hirit ng mga fans, movie ang gawin nila at pang-MMFF daw (hindi na hahabol sa 2023 MMFF).
May nag-request naman na mag-guest muna si Vice sa Bubble Gang habang iniisip pa kung ano ang puwede nilang pagsamahang project.
Pati nga ang mga taga-showbiz, natuwa sa posibilidad na collab nina Bitoy at Vice. Sabi nga ni Ogie Alcasid, ngayon na ang tamang panahon, at si Jerald Napoles, excited na agad. Si Dawn Zulueta, “Do it” ang comment sa tanong ni Bitoy.
Ang mga fans na rin ang nagsa-suggest ng mga projects na gusto nilang pagsamahan nina Bitoy at Vice. In fact, maraming magagandang posibilidad, kaya i-go na ‘yan!





Comments