Mga kapwa celebs, bilib na bilib… SHARON, 7 YRS. NAGPAPAYAT, KC NAPAG-IWANAN NA
- BULGAR
- May 27, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 27, 2023

Marami talaga ang bumilib sa laki ng ipinayat ni Sharon Cuneta. Naibalik na niya ang dati niyang katawan nu'ng dalaga pa siya.
Sa kanyang Instagram Stories, ishinare ng Megastar ang isa niyang larawan na naka-lady in red.
Nilagyan niya ito ng caption na: "Tonight at a private event where I sang - at the Peninsula Manila (with hearts emoji)... Opo, pumayat na po ako after 7 years!"
Inamin niyang pumayat na siya pagkatapos ng pitong taong pag-e-exercise at pagbabawas ng pagkain at pagsunod sa kanyang nutritionist.
Halos lahat ng celebrities at mga kaibigan ni Shawie ay bilib na bilib sa Megastar dahil sa determinasyon nitong magpapayat.
Hindi nga naman biro ang pitong taon na kanyang ginugol maibalik lang sa dati ang kanyang timbang.
Sina Mariel Rodriguez, Carmi Martin, Vina Morales, Precy Ejercito, Lani Misalucha, Connie Sison at Christine Bersola ay ilan lang sa mga nag-react sa kanyang payat na katawan.
Si Martin Nievera nga nu'ng mag-guest si Shawie sa birthday celebration ni Zsa Zsa Padilla last Sunday, hindi napigilang humanga sa Megastar, "Ang sexy na niya, 'noh!"
"How to be you po?" komento ng isang netizen.
"Sana all," sey naman ng isa.
"Inggit much!" hirit pa ng isang fan ng aktres.
Komento naman ng isa, "Sana gayahin ni KC ang mom niya, determinadong magpapayat.
Sure ako 'pag nabalik ni KC ang kanyang kaseksihan, lalong lalabas ang kanyang ganda."





Comments