top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga kandidato na tatakbo sa 2022, dapat may pakialam sa Inang Kalikasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 24, 2021



Nabiyak ang lupa sa isang kalye sa Ortigas Road sa Pasig City kamakalawa.


Pero, wala namang lindol!


◘◘◘


MARAMI na ang kakaibang nagaganap sa ating paligid.


Bunga ito ng pagsira sa Inang Kalikasan!


◘◘◘


ISANG talamak na nakaaapekto sa kalikasan ay ang illegal logging, partikular sa Mindanao.


Noong Agosto 20, sinalakay umano ng DENR at DILG ang lumber yard sa Cantilan, Sirigao del Sur kasama pa si Governor Alexander “Ayek” Pimentel!


◘◘◘


PINAIIMBESTIGAHAN ni Pimentel ang illegal logging activities dahil umano sa pagkakadawit ng pangalan ng ilang lokal na opisyal.


Bandang alas-3:00 ng hapon, nang salakayin ang lumber yard kasama si Surigao del Sur Police director Police Col. James Goforth, Cantilan Municipal Police sa pamumuno ni Police Major Ferdinand Tavares at Forester Charles Sullano ng CENRO Cantilan!


◘◘◘


NAKAPUWESTO ang lumber yard sa riverside compound sa Purok-2 Bgy. Tapi, Cantilan.


Nakumpiska rito ang illegally cut assorted forest products, na tinatayang aabot sa kabuuang 17,000 board feet at may market value na P500,000!


◘◘◘


AYON kay Governor Pimentel, ang illegal lumbers ay pag-aari ni Barangay Tapi Chairman Noel Azarcon, alyas Tiger na sinasabing kaalyado nina Cantilan Mayor Carla Pichay at Congressman Butch Pichay.


Labis na nagtataka ang gobernador kung bakit sa lahat ng munisipalidad sa Surigao del Sur, sa bayan lamang ng Cantilan laganap ang illegal logging kung saan matatagpuan din ang tanggapan ng DENR-CENRO, na pinamumunuan ni Marslou Bonita.


◘◘◘


“This area of barangay captain Azarcon is only 15 minutes away from the CENRO and the Mayor’s office. The illegal logging activities are striving and happening almost right on the tip of the nose of public officials supposed to be protecting our environment and implement the law properly,” pagbubunyag mismo ni Governor Pimentel.


Nanawagan ang governor sa dalawang nabanggit na mga ahensiya na siyasating mabuti at alamin ang posibleng pagkakasangkot ng mga public official.


◘◘◘


DAPAT magkaroon ng karampatang aksiyon at mawakasan na ang naturang ilegal na gawain na siyang sumira sa likas na yaman ng kanilang lalawigan.


Isang mahalagang plataporma dapat ng mga kakandidato sa 2022 elections ay kung paano maiingatan ang Inang Kalikasan!


◘◘◘


KAPAG sinira natin ang kalikasan, sisirain at lilipulin din nito ang buong populasyon dahil sa serye ng trahedya at kalamidad.


Hindi talaga natututo ang mga tao!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page