top of page

Mga kaibigang celebs, nakiramay… GLAIZA, NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG PADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 28, 2025



Photo: Glaiza De Castro - IG


Nagluluksa ang aktres na si Glaiza de Castro dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Alfred Galura.


Ibinahagi ng Kapuso actress ang malungkot na balita sa kanyang Instagram (IG) page kasabay ng pagbibigay ng madamdaming tribute sa ama.


“Ganito kita aalalahanin, ‘yung mga tawa’t ngiti, boses mo lalo na ‘pag kumakanta ka… fan na fan mo talaga ako,” mensahe ni Glaiza sa ama kalakip ang mga larawan ng masasayang araw nila.


“At salamat sa pagsuporta mo sa mga pangarap ko, masaya akong nakasama kitang makamtan ‘yun. Salamat sa pagmamahal mo sa amin sa lahat-lahat. Mahal na mahal kita, ‘Tay, alam mo ‘yan, pahinga ka maigi…” ang pagtatapos ng kanyang liham sa ama.


Dumagsa naman ang pakikidalamhati ng mga netizens at kapwa-celebrities kay Glaiza. Kabilang sa mga nagpadala ng kanilang pakikiramay ang kanyang matalik na kaibigang si Angelica Panganiban.


“Pahingang maigi, Tatay Pips,” mensahe ni Angelica.


Nakiramay din sina Jolina Magdangal, Jason Abalos, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabby Eigenmann, Carla Abellana, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Rocco Nacino, Arra San Agustin at marami pang iba.



HIGH school kilig ang hatid ni Anji Salvacion kasama ang 4 na Kapamilya heartthrobs na sina Gelo Rivera, Harvey Bautista, Dustine Mayores, at River Joseph para sa kauna-unahang original YouTube (YT) movie ng ABS-CBN na The Four Bad Boys and Me (TFBBAM).


Hango sa sikat na Wattpad series mula kay ‘blue_maiden’, unang mapapanood ang movie adaptation ng Super Kapamilya members sa Hulyo 29 o dalawang araw bago ang opisyal na worldwide premiere sa ABS-CBN Entertainment YT channel sa Hulyo 31. 


Mula naman ito sa direksiyon ni Benedict Mique na kilala sa sikat na rom-com films katulad ng Wild Little Love (WLL) at MOMOL Nights (MN).

Ibinahagi nina Anji at Gelo sa mediacon noong Biyernes (Hulyo 25) kung gaano sila ka-excited na mapanood ng fans ang nakakakilig nilang pelikula.


“Ever since Grade 9, kami ng mga classmates ko, abang na abang kami sa next chapter ng story. This is a good story kasi maraming makaka-relate. I'm stepping out of my comfort zone in this movie,” sabi ni Anji na aminadong big fan noon pa ng Wattpad version.


“Aside from the pressure na nararamdaman ko, sobrang grateful ko na nakasabay ko sila sa first project ko bilang aktor. It was a rollercoaster of emotions,” dagdag naman ni Gelo, kung saan ginagampanan niya ang antipatikong lider ng grupo para sa kanyang unang sabak sa pag-arte.


Para naman kay River, kahit binansagan siya ng fans bilang ang ‘green flag’ ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, handa na siyang magpakilig bilang ang pasaway at basagulerong kuya ng karakter ni Anji.


Ibinahagi naman nina Harvey, ang misteryosong miyembro ng grupo, at Dustine, ang lover boy sa kanilang apat, na excited na silang maghatid ng kilig at good vibes sa lahat ng fans na nag-aabang sa pelikula.


Iikot ang kuwento ng TFBAM kay Candice (Anji), ang dakilang loner na high school senior. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang magiging exciting ang simple niyang buhay dahil magiging tropa niya ang pinakasikat na bad boys ng campus na sina Jeydon (Gelo), Troy (Dustine), Marky (Harvey), at Charles (River).


Sasabog ang kilig sa istorya dahil magkakaroon ng major glow-up si Candice at pag-aagawan siya ng mga guwapong heartthrob.


Kasama rin sa pelikula upang magbigay ng kilig at nakakaintrigang drama ang mga Kapamilya rising stars na sina Brent Manalo, AC Bonifacio, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.


Kung gustong mapanood ito ng mas maaga simula Hulyo 29, mag-subscribe bilang Super Kapamilya members.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page