Mga inimbita sa FAMAS Awards Night… RITA, AGREE NA MALING ANG ARTISTA PA ANG MAGBABAYAD NG PAGKAIN

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 30, 2024

Imbiyerna rin ang seasoned actress na si Rita Avila sa sinapit ng veteran actress na si Eva Darren sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards Night na ginanap last Sunday.
Sa Facebook post ni Rita ay sinabi niyang naiintindihan niya ang damdamin ni Eva at ng pamilya nito sa nangyari.
“The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable. Totoo naman! I am glad that her son posted about it,” simula ni Rita.
Agree nga raw siya sa mga opinyon ng ibang tao hinggil sa pag-iimbita sa mga artista na sila pa ang gagastos sa lahat tulad ng damit, make-up, gasoline at pagkain.
“And I agree a 100% to the comments that said, 'Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo? Nananahimik ka, tapos iimbitahin ka, gagastos ka mula sa damit, make-up, gasolina hanggang sa pagkain mo para ano? Para sa NINGNING?'” aniya.
“Si Ms. Eva Darren ay pumunta definitely hindi para sa ningning pero dahil nirespeto n’ya ang imbitasyon, nirespeto ba s’ya?” litanya pa ng aktres.
May hugot din si Rita sa mga hindi bidang artistang naiimbita sa presscon pero nagmumukhang t*nga lang dahil hindi nai-interview ng press.
“Kahit naman sa mga mediacon/presscon, invited ang cast, nagbihis, nag-ayos, gumastos sa gasolina para lang magmukhang tanga ang marami. Mga bida naman ang gustong interview-hin ng press, eh, di sana, mga bida na lang ang mag-attend, ‘di ba?” ang hinaing ng aktres.
Nagbigay din ng payo si Rita sa mga taga-showbiz. Aniya, “Dapat sa showbiz, eh, tayo ang mag-alagaan sa isa’t isa. Tayo ang magbigay-respeto sa isa’t isa, tayo ang magbigay-dignidad sa isa’t isa.”
Kinuwestiyon din ng misis ni Direk FM Reyes ang ibinigay na excuse ng FAMAS na hindi raw nakita ng production staff si Miss Eva sa loob ng venue kaya napalitan ito bilang presenter.
“Wala sa photo ng presenters si Ms. Eva pero inimbita nila at pinag-memorize ng script, ano ‘yun? Tapos ang excuse ay ‘di makita si Ms. Eva. Ano ‘yun?!
“Kung presenter s’ya, may nakabantay na sa kanya mula sa pagdating n’ya dahil dapat alam na kung saan s’ya nakaupo para 'pag malapit na 'yung part n’ya, madali siyang tatawagin,” litanya ni Rita.
Sa comment section ay napakaraming sumang-ayon kay Rita at kani-kanya rin sila ng paglalabas ng galit sa FAMAS dahil sa kahihiyang nangyari kay Eva Darren at sa pamilya nito.





Comments