top of page
Search

Mga ikinasal ni Alice Guo, sakit-ulo, wala raw bisa ang kanilang kasal

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 22, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAPAG HINDI DUMALO SI MRS. ROQUE SA QUAD-COM HEARING, BAKA IDEKLARA RIN SIYANG PUGANTE TULAD NG MISTER NA SI HARRY ROQUE – Nagpalabas na ng show cause order ang Kamara para dumalo sa hearing ng Quad Committee si Mylah Roque, misis ng puganteng si former presidential spokesman Harry Roque patungkol sa ginawa nitong (Mrs. Roque) pagpapaupa sa dalawang opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa mansion nila sa Benguet.


Kailangang humarap ni Mrs. Roque sa hearing ng Quad Committee next week, kasi ‘pag inisnab din niya ito tulad ng ginawa ng mister niyang si Harry Roque, malamang ideklara rin siya ng Kamara na pugante, period!


XXX


MRS. ROQUE, IPINAHAMAK NG MISTER NA SI HARRY ROQUE -- Sa totoo lang, si Harry Roque ang nagpahamak sa kanyang misis kaya nakabilang ito (Mrs. Roque) sa nais imbestigahan ng Quad Committee.


Sa unang pagharap kasi ni Roque sa Quad Committee ay tinanong siya ng mga kongresista kung sinong nagpaupa sa dalawang opisyal ng POGO sa kanilang mansyon sa Benguet. Imbes na iligtas ang kanyang asawa para hindi na ito mapasama sa imbestigasyon at akuin na siya ang nagpaupa kasi nga siya naman ang nali-link sa POGO sa Porac, Pampanga, aba’y mantakin n’yong inginuso ang kanyang misis na ito raw ang nagpaupa.


‘Ika nga, ipinahamak ni Roque ang kanyang misis kaya nakabilang ito (Mrs. Roque) ngayon sa iimbestigahan ng Quad Committee patungkol sa illegal POGO sa bansa, boom!


XXX


SURVEY NA 39% DAW NG PAMILYANG PINOY ANG GUMINHAWA ANG BUHAY SA MARCOS ADMIN, PANG-UUNGGOY SA PUBLIKO – Tila pang-uunggoy sa publiko ang inilabas na survey ng SWS na kesyo 39% daw ng pamilyang Pinoy ang nagsabing guminhawa ang uri ng kanilang pamumuhay sa ilalim ng Marcos administration.


Napakaimposible naman ng resulta ng survey na ito kasi sobrang taas ang presyo ng

mga bilihin at milyun-milyong Pinoy ang jobless, tapos sa survey ng SWS ay 39% daw ang guminhawa ang pamumuhay, pwe!


XXX


MGA IKINASAL NI FORMER MAYOR ALICE GUO, SAKIT-ULO DAHIL WALA  RAW BISA ANG KANILANG KASAL AT MAOOBLIGANG MAGPAKASAL ULI -- Sakit-ulo ngayon ang mga mag-asawang ikinasal ni former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.


Naitanong kasi ni 4Ps partylist Rep. JC Abalos na sa ating batas kung walang authority to solemnize ang isang solemnizing officer sa isang kasal, void ang kasal, at ang ibig sabihin nito magiging void o walang bisa na raw ba lahat ng mga ikinasal noon ni Alice Guo? At dahil lumalabas ngayon na Chinese national pala ito ay wala siyang otoridad na magkasal.


Sakit-ulo talaga sila kasi maoobliga na naman na gumastos at magpakasal uli ang mga ikinasal noon ni Alice Guo, tsk!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page