Mga hosts ng Eat… Bulaga! MAJA, MAINE AT MJ, NAG-BONDING SA SINGAPORE, MILES OUT
- BULGAR
- Oct 20, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 20, 2022

Nag-bonding sa Singapore ang mga Eat… Bulaga! hosts na sina Maja Salvador, Maine Mendoza at MJ Lastimosa.
Ang kuwento kung bakit bigla silang pumunta ng SG ay dahil sa post ng former beauty queen na si MJ sa kanyang socmed.
Ani MJ, “I asked for a sleepover & it happened in SG,” kung saan ibinahagi rin niya ang larawan nilang tatlo na kuha sa Universal Studios Singapore.
Kasama ng tatlong "M ladies" ang fiance ni Maja na si Rambo Nuñez.
Sayang at wala ang isang "M" na co-host din ng Dabarkads na si Miles
Ocampo.
Na-amazed ang mga netizens sa kanilang trip at sana raw, next time na mag-travel sila ay kasama na si Miles.
Isang netizen ang nagkomento sa mga kuhang larawan ng tatlo, "social climbers" daw sila.
Sagot ng isang commenter, "They just showed a pic enjoying themselves. Asan ang social climbing d'yan? Kasama ba nila mga alta-sociedad ng Singapore or ng 'Pinas?"
"Mapera naman ang mga 'yan. Pa'no naging social climbers?"
Oo nga naman!!!





Comments