top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga high ranking politician ng ‘Pinas, ‘The Best’ sa luho!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 16, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


BAD SA PANINGIN NG MUNDO NA WALANG ‘BEST CITY’ SA ‘PINAS -- Sa inilabas na data ng DestinAsian Magazine na nakabase sa Singapore patungkol sa “Best Cities in Asia 2024”, kahit isa man sa lungsod sa Pilipinas ay hindi nakasama sa top 10 nito.


Sa totoo lang, bad sa paningin ng mundo ang data na ‘yan kasi parang pinalalabas ng DestinAsian Magazine na kahit isa ay walang best city sa ‘Pinas, boom!


XXX


‘THE BEST’ SA LUHO ANG MGA HIGH RANKING POLITICIAN NG ‘PINAS -- Sa luho ng high ranking politicians sa ating bansa ay diyan “The Best” ang ‘Pinas.


Sa Google kasi kapag sinearch dito ang mga gusali ng mga mambabatas ng mga bansang nakapaloob sa Southeast Asia, bagama’t may kalakihan ang kanilang mga parliament buildings, ay walang binatbat ang mga ito sa laki at lawak ng New Senate Building sa Taguig City na ipinagagawa ng Senado na gagastusan ng higit P23 bilyon mula sa kaban ng bayan, buset!


XXX


KAPAG DINIVIDE SA 24 SENADOR ANG 4 NA TORE, LALABAS NA 6 NA SENADOR LANG ANG MAG-OOPISINA SA KADA TORE! -- Sa disenyo ng New Senate Bldg., makikita na ito ay may apat na pagkalaki-laking tower o tore.


Sa ‘Pinas ay 24 ang senador, kaya kapag ang apat na nakapalaking tore na ito ay dinivide sa 24, aba’y lalabas na kada tore ay anim na senador lang, plus kanilang mga staff ang mag-oopisina dito, eh ‘di wow! 


XXX


FORMER CONG. ARNIE TEVES, WALA NANG KAWALA KASI ISINAILALIM NA SA HOUSE ARREST SA TIMOR-LESTE -- Isinailalim na si former Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa house arrest ng gobyernong Timor-Leste habang dinidinig sa bansang ito ang extradition case na isinampa ng Philippine gov’t.


Ibig sabihin, wala nang kawala rito si Teves dahil sa oras na katigan ng Timor-Leste ang extradition case, sigurado balik-‘Pinas na siya at diretso sa selda, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page