Mga gambling lords, pag-asa para makaahon ang ekonomiya, pwe!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 09, 2021
ISANG ARAW MATAPOS SABIHIN NG BUREAU OF TREASURY NA P11-TRILYON ANG UTANG NG ‘PINAS, SABI NI P-DUTERTE AY UBOS NA ANG PERA—Isang araw matapos isapubliko ng Bureau of Treasury (BOT) na pumalo na sa higit P11-trilyon ang utang-panlabas ng Pilipinas, sinabi ni P-Duterte na wala na raw pera ang pamahalaan kaya’t inaprub niyang mag-operate ang mga pasugalan upang makalikom ng pondo ang gobyerno.
Wala nang pera ang pamahalaan? Eh, saan napunta ang trilyones na inutang ng Duterte gov’t.? Boom!
◘◘◘
PARA KAY P-DUTERTE, PASUGALAN ANG SOLUSYON SA EKONOMIYA NG ‘PINAS—Sabi ni P-Duterte, malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ang makukuhang tax sa mga pasugalan.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan na ang ekonomiya ng bansa ay iaasa ng Duterte gov’t. sa panraraket ng mga gambling lords sa mga Pinoy, buwisit!





Comments