Mga frontliners at senior citizens, payagan na sa booster
- BULGAR
- Aug 23, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 23, 2021
Naka-double dose ng kami ng aking misis ng AstraZeneca COVID vaccines.
Pero, kaming dalawa ay higit nang sisenta’y anyos at kami rin ay frontliner dahil magkatuwang naming pinangangasiwaan ang isang munting medical clinic.
◘◘◘
HALOS araw-araw ay may napapakonsulta na nilalagnat, inuubo, masakit ang lalamunan, sore throat at may sipon.
Hindi sila mapigil na lumabas ng bahay at aktuwal na nagpupunta sa medical clinic.
Nahihirapan kaming ilayo ang mga pasyente na biglang nauupo sa harap ng mesa!
◘◘◘
MARAMI nang napagaling na may sintomas ng COVID ang misis ko na isang general physician kung saan ang reseta ay isini-send lang sa messenger.
Siyempre, ang bayad ay naka-Gcash.
Pero, natatakot kami sa hindi mapigil na personal na pagpapakonsulta ng mga may COVID.
◘◘◘
NATUTUWA kami sa rekomendasyon ni ex-Speaker Alan Peter Cayetano sa IATF na payagan nang maturukan ng booster dose ang tulad naming frontliner at senior citizen.
Maraming medical clinic ang nagsarado at maraming doktor ay hindi na nagseserbisyo.
Naaawa kami sa mga may COVID-19, lalo na ang mga hindi naman COVID ang sakit, saan sila magpapagamot?
◘◘◘
SANA’Y aprubahan ng IATF ang pormal na liham ni Cayetano at ng kasama niya sa grupong BTS na payagan ang booster dose.
Sa naturang mensahe sa IATF, sinabi nina Cayetano, Congs. Lray Villafuerte, Ranie Abu, Dan Fernandez, Jonathan Sy Alvarado, Mike Defensor at Lani Cayetano na alam nilang kulang na kulang pa ang mga bakunanag dumadating sa bansa.
Pero hindi dapat ipagwalang-bahala ang kaligtasan ng mga medical frontliners na siyang humaharap sa mga COVID patients pati na rin ang mga immune-compromised tulad ng mga may edad na!
◘◘◘
MARAMI nang bansa ang nagsimula na magturok ng booster shot sa mga medical frontliners at pati sa mga matatanda na 60-anyos pataas.
Nagturok na ng booster shot ang Indonesia, Thailand at Israel!
◘◘◘
MALAWAKAN na rin ang isasagawang booster dosesa US, United Kingdom,France, Germany, China, Russia, Turkey, United Arab Emirates, Bahrain, at Singapore.
Kailangang maturukan ng booster shot ang ating mga medical frontliners dahil tagilid palagi ang kanilang buhay sa pag-aasikaso ng mga may COVID.
◘◘◘
SA totoo lang, balak na ng mga nurse na magprotesta at may balita pa na apat sa sampung mga nurse sa mga pribadong ospital ay nag-resign na dahil sa peligro ng kanilang trabaho.
Sa ngayon, 11.7 percent pa lamang ng mahigit 110 milyong Pilipino ang fully vaccinated samantalang 14.8 percent naman ang nakatanggap na ng 1st dose.
◘◘◘
SA Metro Manila halos tapos na ang pagbabakuna sa San Juan, Marikina, Mandaluyong at Pateros.
Handa na rin silang tumanggap ng mga vaccinee mula sa iba’t ibang lugar at kalapit na mga lalawigan.
◘◘◘
AABOT sa P45 bilyon ang nakalaan sa 2022 national budget para sa pagbili ng karagdagang bakuna para sa booster shots.
Pero gagamitin lang ito kapag nabakunahan na ang mayorya ng ating mga kababayan!
◘◘◘
ALAM naman nating hihina na ang efficacy ng bakuna laban sa COVID-19 batay sa mga pag-aaral pagkatapos ng anim na buwan.
Marso ngayong 2021 nag-umpisa ang pagbakuna sa ating mga medical frontliners kaya kailangan na nila ng booster shot para muling lumakas ang kanilang panlaban sa pandemyang COVID-19!
◘◘◘
NAGBABANTA ang Delta Variant at pagpasok na rin ng panibagong variant ng COVID-19, ang Lambda Variant mula sa Peru na nararamdamaman na rin ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sana’y iaayos ng IATF ang proseso ay bigyan ng prayoridad ang mga medical frontliners na buhay na bayani sa panahon ng pinakagrabeng pandemya sa kasaysayan.





Comments