top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga ebidensiya, inilabas na… MAGGIE, NAG-POST NG MGA PICTURES NG MISTER KASAMA ANG KABIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 9, 2022



Ginulat ni Vic Consunji, CEO ng VCFC DMCI, ang publiko nang ipa-padlock niya at putulan ng kuryente ang bahay ng nakahiwalay na asawang si Maggie Wilson na kasalukuyang nasa ibang bansa.


Bukod dito ay sinampahan ni Vic si Maggie ng adultery at pinagbibintangang lalaki nito ang business partner at kaibigan nilang si Tim Connor.


At kapag umuwi si Maggie ng Pilipinas ay automatic na aarestuhin siya dahil naglabas ang korte ng warrant of arrest sa kanila ni Tim matapos ngang sampahan ng adultery ni Vic.


Nakapuntos si Maggie kay Vic dahil naibalik na ang kuryente sa bahay nito sa Taguig City at puwede na ring tirhan dahil sa bisa ng Temporary Restraining Order o TRO na inisyu ng korte sa VCFC DMCI.


Ang kapatid na babae at limang taong gulang na pamangkin ni Maggie ang kasalukuyang nakatira sa bahay nito sa Taguig City na ang ex-beauty queen/entrepreneur ang mismong nagbabayad ng renta.


Anyway, pagkalipas ng ilang linggo ay naglabas si Maggie sa kanyang Instagram stories ng mga larawan ni Vic na may kasamang ibang babae.


Random pictures ang mga ipinost ni Maggie na galing mismo sa mga netizens dahil nga alam ng lahat na may kinakaharap siyang adultery case.


Sa unang larawan ay ikinumpara ni Maggie ang venue kung saan siya dati nagwo-workout at doon din ngayon ang sinasabing babae ni Vic.


Ikalawang larawan ay nakaakbay ang babae kay Vic at nakaupo sa iisang upuan ang dalawa na akala mo, magka-kandong.


Ang sumunod ay ang larawang naglalakad na may ka-holding hands si Vic at ang caption: “Hi Maggie! Saw them together in Rockwell holding hands just this Friday.”


Ang caption naman ni Maggie sa ipinadalang larawan sa kanya na izinoom, “While I’m fighting an adultery charge….”


May larawang kumakain si Vic at ang girl daw nito sa isang kilalang coffee shop sa Makati City, “Saw this woman with him in Rockwell last May 7.”


Sa madaling salita ay iisang babae ang tinutukoy ng mga netizens na nakakakita at ipinadadala ang mga larawan kay Maggie.


Samantala, nag-post si Maggie ng larawang naghahanda ng dinner at ang caption niya, “What legal cases are we cooking up, Maggie today baby?”


Ini-repost din nito ang larawan ni Vic at ng girl na ang caption niya ay: “This one I knew about.”


Say ng netizen, “My family and I saw them in Hong Kong. They were holding hands and did not care that a lot of Filipinos were looking at them. Hoping you and your son are well (emoji praying hands).”


Mukhang nag-iipon ng ebidensiya si Maggie dahil ini-repost niya ang larawang may sinundong babae umano si Victor sa airport noon pang September 17, 2019.


Sabi ng nagpadalang netizen, “Saw Sir Victor here, ang guwapo po.”


Sagot ni Maggie, hindi pa sila hiwalay ng asawa nu'ng 2019, “At the airport? Today?”


“Yes po. May sinundong girl. Naglolokohan pa naman kami. Sabi ko, sundo ko ‘yung naka-Range Rover.”


May ipinost din si Maggie na larawan ng daliri lang ni Victor na may tattoo at may ka-date na ang inilagay na caption ay: “Fridate (emoji heart). Tequilla night cap.”


Bukas ang BULGAR mula sa panig ni Vic Consunji o ng kampo niya tungkol sa inilabas na mga larawan ng estranged wife niyang si Maggie Wilson.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page