ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 3, 2024
Maaliwalas na ang aura ni Doc Willie Ong sa kanyang latest vlog dahil sa good news na sinabi ng kanyang mga doktor sa Singapore.
Medyo lumakas na raw ang kanyang pakiramdam at ibinalita niyang lumiit na ang bukol sa kanyang abdomen na sanhi ng kanyang Sarcoma cancer.
Ramdam daw ni Doc Willie na tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling at makaka-survive siya sa cancer.
Well, mismong ang mga doktor na gumagamot kay Doc Willie ay labis na nagtataka kung bakit biglang lumiit ang bukol niya.
Samantala, maraming kaibigan at mga followers ni Doc Willie ang natutuwa sa good news tungkol sa kanyang kalusugan. Patuloy silang nag-aalay ng dasal para sa paggaling ni Doc Willie Ong, kaya labis ang pasasalamat ng Doktor ng Masa sa mga taong nagmalasakit at nagdasal para sa kanya.
Usap-usapan ding may ilang grupo naman ang nagsasabing may nagpakulam daw kay Doc Willie Ong kaya siya nagka-cancer.
Kaya maging ang ilang mahuhusay na albularyo ay nagsasagawa ng ritual upang matulungan si Doc Willie sa kanyang karamdaman.
Basta sa ngayon, tanging dasal at ang patuloy na pagkapit sa Diyos ang nagbibigay ng pag-asa kay Doc Willie Ong upang gumaling siya sa kanyang cancer.
KUMPIRMADO nang tatakbo sa 2025 elections ang komedyanteng si Bayani Agbayani at first nominee siya ng TUPAD Partylist. Sariling desisyon daw ni Bayani ang pagpasok niya sa larangan ng pulitika, at may blessings din ng kanyang misis na si Lenlen.
Sa October 7 (Lunes), magpa-file na ng kanyang candidacy si Bayani Agbayani. Puwede pa naman siyang lumabas sa kanyang TV shows kahit na nag-file na siya ng candidacy.
Hanggang February, 2025 pa puwedeng makita si Bayani sa mga TV shows.
Kasama si Bayani sa cast ng Da Pers Family (DPF) with Aga Muhlach, Charlene Gonzalez at dalawa nilang anak na sina Atasha at Andres.
Napapanood ang DPF sa TV5 tuwing Linggo, 7:15 PM. May show din siya sa Net25, ang Goodwill na napapanood ng 5 PM, Linggo.
Well, sa dami ng kaibigang artista ni Bayani Agbayani, tiyak na susuportahan at ikakampanya siya ng mga ito!
Good luck, Yani! Go, go, go!
TIYAK na kaiinggitan ng marami ang mga alagang aso ng fashion icon na si Heart Evangelista dahil branded din ang ilang gamit ng mga ito. Ang Hermes dog bed ay nagkakahalaga ng P122,000 ang isa. Ang Hermes dog bowl (kainan) ay P70,191 at ang small Chanel black bag ay P75,137.
Ang pinakamahal na accessory na ipinagamit o ipinasuot ni Heart sa kanyang favorite dog na si Panda ay ang Bvlgari necklace worth P11.9 million. Ganito rin ang klase ng Bvlgari necklace na isinuot ni Pia Wurtzbach kapag rumarampa sa mga fashion events sa Paris at New York.
Samantala, habang pinagkukumpara sina Heart at Pia, lalong umiinit ang kanilang kompetisyon. Bentahe raw ni Pia ay matangkad siya at isang beauty queen, kaya napapansin kapag rumarampa sa Paris at New York.
Ganunpaman, lamang si Heart dahil nauna siyang naimbitahan sa mga fashion events sa Paris, Milan, at New York. Marami na siyang nakilalang sikat na fashion designers. At kahit na petite si Heart, ang husay niyang umawra at magdala ng damit kapag rumarampa. Lumilitaw ang kanyang pagiging classy at elegante.
Atleta, masunurin sa magulang, ka-match na ang labs ngayon…
DATING GF NI EJ, INAYAWAN NG MADIR DAHIL MALIIT
BOTO ang nanay ng pole vaulter na si EJ Obiena na si Jeannette Uy sa girlfriend niyang si Caroline Joyeux, isang athlete mula sa Germany.
Sa guesting ni EJ at ng kanyang mom na si Jeannette para sa My Mother, My Story (MMMS) hosted by Boy Abunda, sinabi ni Jeannette na nababaitan siya sa nobya ni EJ na si Caroline. Parehong athlete sina EJ at Caroline, kaya nagkakasundo.
Sey naman ni EJ, may naging nobya siya sa college na hindi pinaboran ng kanyang mom dahil kapos sa height at hindi match ang kanilang personalidad.
Isang mabait, respetado, at masunuring anak si EJ Obiena sa kanyang mga magulang, disiplinado rin ito bilang isang athlete.
Ang kanyang ama ay isa ring mahusay na pole vaulter at ito ang kanyang naging idolo.
Samantala, pinaghahandaan na ni EJ Obiena ang susunod na laban niya sa Olympics upang makapag-uwi ng karangalan sa ating bansa.
Comentários